Aktres tinabla lahat ng inutangan!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

Magandang-maganda na ang estado ng buhay ngayon ng isang female personality. Napakalayo nu’n sa kanyang dating buhay na isasaing lang niya kinagabihan ay hinahanap pa niya. Nang bumagsak ang suwerte sa kanyang buhay ay sabay-sabay.

Merong para sa anak niya, meron ding para sa kanya, bumaligtad ang takbo ng mundo para sa kanilang pamilya. Biglang yaman sila. Nasusunod nila ang lahat ng kanilang gusto. At marami pang sumosobra.

Isang gabi ay nakausap ng aming source ang isang businessman na palaging takbuhan nu’n ng female personality kapag walang-wala na siyang mautangan.

Tanong ng negosyante sa kanyang kausap, “Ano kaya ang naiisip niya ngayon? Sobrang nahihiya kaya siya sa akin, kaya kahit phone call lang, e, hindi niya magawa? Nag-uusap kaming magkakaibigan na madalas niyang tinatakbuhan nu’n.

“Nagtatanungan kami kung kinontak na ba sila ni ____(pangalan ng popular na babaeng personalidad)? Wala raw, hindi pa raw, sa TV na lang daw nila nakikita ang taong dati, kahit madaling-araw na, e, nakikipagkita pa sa amin para kunin ang perang inuutang niya.

“Bakit kaya? ‘Yung amount na inutang niya nu’n sa akin, e, tablado na ‘yun, kinita ko na ‘yun, kaya hindi ko na siya sisingilin. Pero alam mo ‘yung kahit sa phone man lang sana, e, mangumusta naman siya?

“Hindi kami nagpapalit ng phone number, at kung sakali mang nagpalit na kami, e, puwede niya namang ipagtanong ang bagong contact number sa mga kaibigan niya na kaibigan din namin, ‘di ba?

“Nalulungkot lang kami ng mga business associates ko. Dati kasi, kahit saan kami nandu’n, e, nakapupunta siya. Nahahanap niya kami. Nag-e-effort siya. Pero bakit nang napakaganda na ng buhay niya, ni ha, ni ho, e, wala man lang kaming maramdaman mula sa kanya?” hinaing ng dating tinatakbuhan ng female personality para utangan.

Komento ng aming source, “Ramdam ko sila. Nakakatampo nga naman ang ganu’n. magaling lang kapag may kailangan. Ano ba naman ang abalang gagawin sa kanya ng isang phone call man lang?

“Nakakalungkot. Akala kasi namin, e, katawan lang niya ang lumobo, pati pala ang ulo niya, e, lumaki na rin,” makahulugang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga bugaw sa showbiz  mas maraming alam na pangyanig

Matindi ang ginawang pauso ni Mark Bautista. Sa kahit anong umpukan ngayon ng mga taga-showbiz ay hindi matatapos ang kuwentuhan nang hindi natututukan ang isinulat niyang libro.

Tatahi-tahimik nga lang naman ang magaling na balladeer, pero siya pa pala ang makakaisip na magsulat ng librong mangwiwindang sa publiko, ang dami-da­ming naghahangad na magkaroon ngayon ng kopya ng Beyond The Mark.

At bukod sa kuwentuhan tungkol sa kanyang mga rebelasyon ay nanganak na nang nanganak ang istorya. Sa isang bahagi ng social media ay pinagtripan ng ating mga kababayan kung sinu-sinong male perso­nalities ang puwede na ring maglabas ng sarili nilang libro na kapalolooban din ng mga lihim na hahanguin mula sa baul ng alaala.

May mga initials na binanggit, puro kila­lang lalaking personalidad ang tinutukoy, sila ang mga male personalities na matagal nang kinukuwestiyon ng mga kababayan natin ang tunay na kasarian.

Isang miron naman ang nagbigay ng isang suhestiyon, bakit daw hindi rin magsulat ng libro ang mga kilalang Boogie Wonderland (read: bugaw, pimp) ng showbiz, siguradong kakabugin daw nu’n ang mga rebelas­yon ni Mark Bautista sa kanyang libro.

Sabi pa ng miron, “’Yun ang pinakama­tindi! Kapag ang mga pimp na ang nag­labas ng libro, mababalatan ang mga perso­nalities na lalaki at babae na nagbebenta ng buhay na karne!

“That will be the day! Ang dami-dami nila! Magsisiksikan sila sa bus! Hindi sila makapagde-deny, dahil pati ang pres­yo nila, e, puwedeng ilabas ng bugaw na magsusulat!

“At hindi lang mga artista, pati ang mga sports personalities na sikat ngayon, madadamay din sa libro. Ang dami kayang basketball players na nagpapa­hanap din ng client?

“Nakakaloka ‘yun kapag nangyari. Kasi, may mga personalities na hindi makabasag-pinggan ang hitsura, pero dyumodyokad pala?” litanya ng isang source.

Nakakaloka!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with