Lovers may dilemma sa Araw ng mga Puso at ash Wednesday
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

73 years ago nang huling magkasabay 

Happy Valentine’s Day!!! Ngayon ang araw ng mga puso at ngayon din ang Ash Wednesday, ang unang araw ng panahon ng Kuwaresma kaya may dilemma ang lovers pero bahala na kayo mag-isip kung ano ang naglalaro sa utak ko na busilak ‘no!

Huling nagkasabay ang Valentine’s Day at ang Ash Wednesday noong 1945 kaya masuwerte tayo dahil na-experience natin sa ating lfetime ang isang pangyayari, 73 years ago!  

Dahil matagal na akong pinagwelgahan ng lovelife, magsisimba na lang ako ngayon at magpapalagay ng abo sa aking noo.

Yasmien suwerte sa mister

Sa lahat ng mga nagkasakit, nagdusa sa asthma attack at nangayayat, si Yasmien Kurdi ang gumanda at lalong naging kalokalike ni Bea Alonzo.

Ang ganda-ganda ni Yasmien sa presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Walang mag-iisip na pabalik-balik siya sa doktor dahil sa madalas na pagsumpong ng hika niya.?

Maayos na ngayon ang pakiramdam ni Yasmien dahil bukod sa maalaga sa katawan, masunurin siya sa kanyang doktor, kahit nagdusa ang pag-inom ng sangkatutak na gamot.

Maingat na maingat si Yasmien sa sarili dahil can’t afford nito na magkasakit bilang hands on wife and mother siya. Hitsurang puyat at pagod siya sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan ka, hindi nawawalan si Yasmien ng panahon para sa wife and mommy duties niya.

Masuwerte si Yasmien dahil very supportive ang kanyang pilot husband na si Rey Soldevilla, Jr. Puwedeng mag-stay na lang si Yasmien sa bahay para alagaan ang kanyang anak at maging full time housewife pero hindi sel­fish si Rey.

Alam ng asawa ni Yasmien na mahal na mahal nito ang showbiz career kaya pinapayagan niya ang kanyang misis na tumanggap ng mga teleserye project.

May mga insidente na mula sa puyatan sa ta­ping, dumidiretso si Yasmien sa airport para ihatid o sunduin si Rey na piloto ng mga international flight.

Parang super woman si Yasmien na nagagawa ang lahat dahil simple lang ang mga sikreto niya, proper time management at matinding pagmamahal sa kanyang pamilya at propesyon bilang aktres.

Wagas na pagmamahalan...

May reminder si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle, ngayon ang ope­ning day sa cinemas nationwide ng bagong pelikula ng Regal Entertainment, Inc., ang My Fairy Tail Love Story.

Confident sina Mother at Roselle na magugustuhan ng manonood ang pelikula nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil tungkol ito sa wagas na pagmamahalan.

Fans ng ElNella aligaga sa pa-block screening ng Fairy Tail...

Mga saksi sina Mother Lily at Roselle sa malakas na tilian ng kinikilig ng fans sa romantic scenes nina Janella at Elmo sa My Fairy Tail Love Story sa premiere nito sa SM Megamall Cinema noong Monday night.

Nakakaloka ang fans ng dalawa dahil bago pa magbukas ngayon sa mga sinehan ang pelikula, may naka-schedule na ito na more than 40 block screenings.

Imposible na mapuntahan nina Elmo at Janella ang lahat ng mga block screening ng My Fairy Tail Love Story dahil may iba pa silang mga commitment.

Hindi nga masagot ni Janella ang gagawin nila ni Elmo ngayong Valentine’s Day dahil hindi pa tapos ang kanilang mga promo.

Niyayaya ni Elmo si Janella na panoorin ngayon sa sinehan ang My Fairy Tail Love Story pero uunahin muna nila ang theater tour kaya dapat abangan ang dalawa sa mga movie house na kanilang pupuntahan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with