Toni hindi nahirapang palitan si Luis kay Billy!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2018 - 12:00am

Bukod sa pamamayagpag sa ratings ay palaging trending online ang Pilipinas Got Talent mula nang magsimula ito noong January 6. Matatandaang si Luis Manzano ang kasamang host ni Billy Crawford sa mga nagdaang seasons ng nasabing reality show.

Para sa dalawang hosts ay malaki rin ang naitulong sa PGT ng pagkakapalit ni Toni Gonzaga kay Luis dito na ikinatuwa naman ng aktres. “Masaya, actually lagi kong sinasabi, ito ang isa sa mga mako-consider ko na pinakamasayang reality show. Laging good vibes lang ang dala ng programa. It transcends on screen. Kaya siguro nagiging maganda talaga ang PGT. Hindi siya naka-box sa iisang konsepto na gano’n lang ang puwede mong gawin. Malaya ka maging masaya, mag-interact, anything can happen on stage,” naka­ngiting pahayag ni Toni.

Ayon naman kay Billy ay hindi niya nararamdaman ang bigat ng trabaho sa tuwing nakasalang sila ni Toni sa stage. “’Yung rapport naming dalawa, nagkatrabaho na kami before for Pinoy Dream Academy no’ng 2008. Pero this time na magkasama kami, sobrang parang hindi nga trabaho. Nag-e-enjoy talaga kami,” pagbabahagi ni Billy.

Kylie at Aljur walang mapapalang suporta kay Robin hangga’t hindi nakakasal

Hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan nina Robin Padilla at Aljur Abrenica hanggang ngayon. Si Aljur ang ama ng apo ni Robin sa anak na si Kylie Padilla.

Ang tanging hiling lamang daw ni Binoe ay mapanagutan o mapakasalan ni Aljur ang kanyang anak. “Lahat naman kami hopeful. Ako ay tatay, ang lahat ng tatay, gusto pakasalan ang anak. Kapag napakasalan niya ang anak, wala na kaming issue,” makahulugang pahayag ni Robin.

Para sa aktor ay buong-buong suporta ang ibibigay niya sa anak kapag opisyal nang mag-asawa sina Kylie at Aljur. “One plus one lang ‘yun. Kailangan ba niyang pag-isipan pa kung anong problema namin? May kalayaan ang anak ko sa gusto niyang gawin. Ang sinasabi ko lang, kung gusto nilang makuha ‘yung suporta ko, sundin nila ako. Kung ayaw naman nilang makuha ang suporta ko, huwag nila akong sundin. Huwag silang gumawa ng issue sa akin,” paliwanag ni Binoe.

Samantala, base sa dating pahayag ni Aljur ay nauunawaan naman nito kung saan nanggagaling ang galit ni Robin sa kanya. “Bilang isang bagong tatay, kailangan ko rin ng guidance. Napag-usapan namin ng tatay ko at ang sabi ng tatay ko ay tama ang sinabi ni Tito Robin. Ako rin bilang isang ama, kung ano ang nakikita ni Tito Robin sa anak ko, gusto ko rin ‘yon. ‘Yung taas-noo niyang haharapin ang lahat sa mata ng Diyos at sa mga mata ng tao,” paglalahad ni Aljur.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with