Mark Anthony nakabuntis ng dalawang lady cop habang nakakulong!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

Buntis na misis ni Ka Freddie tumalon sa bubong  

PIK: Pagkatapos mag-crossdress nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa Deadma Walking, sumunod naman ngayon ang award-winning actor na si Allen Dizon. Nagkalat sa social media ang mga litrato niyang nakaayos girl na kuha sa Aguman Sandok festival sa Minalin, Pampanga.

Ito ‘yung taunang festival sa naturang bayan kung saan tradisyon na nila roon na magparada ang mga brusko na nakaayos babae. Hindi yata puwedeng sumali ang mga mujeristang bading. Mga tunay na lalaki talaga ang rarampa na naka-girl na ayos bilang pagpupugay sa kanilang mga misis.

First shooting day pala iyon ng bagong pelikula niyang Latay na idinidirek ni Ralston Jover at prodyus ng BG Films. Hindi bading dito si Allen, kung hindi battered husband na sumali sa taunang parada.

Maganda ang pagkakaayos sa aktor, na kung tinanggal lang ang bigote, ay isa rin siyang magandang girl at talbog ang mga bading. Kagaya nina Joross at EA, isa rin si Allen sa mga aktor na magandang ayusan.

PAK: Hindi pa rin kami tinitigilan ng mga tanong kung totoo ‘yung kumalat na balitang may nabuntis daw si Mark Anthony Fernandez na dalawang lady police nu’ng nakakulong ito sa Angeles City Jail.

Nakita rin namin sa social media ang naturang balita, pero mukhang fake news, dahil ang sabi raw doon si Claudine Barretto ang nagsabi nung ma-interview siya ni Mario Dumaual ng TV Patrol. Ipinagtapat daw ito ni Mark Anthony sa kanya.

Tinanong namin si Kuya Mario kung na-interview nga niya si Claudine tungkol dito, pero sinabi nitong hindi naman daw.

Ilan sa mga malalapit kay Mark Anthony ang tinanong din namin na nagulat dahil hindi daw nila narinig na pinag-uusapan ito sa pamilya.

Tinanong namin si Lorna Tolentino na close rin sa aktor, at wala raw siyang ganung narinig na balita.

Huwag naman daw sana dahil ang dami nang anak ni Mark Anthony.

BOOM: “Okay lang, at least walang buhay na nawala,” bahagi ng pahayag ni Ka Freddie Aguilar tungkol sa pagkasunog ng kanyang tahanan sa may North Fairview, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Mahigit 15 million pesos daw ang natupok ng apoy sa tahanan ng music icon, pero ang pinakanakakahinayang doon ay ang mga original CD ni Ka Freddie na hindi niya alam kung meron pang ibang kopya.

Nasunog din ang mga award niya at gitara, na sabi ng aming source, mabuti at na-save pa raw ang isang gitara niyang nagkakahalagang 5 thousand US dollars.

Wala si Ka Freddie nang mangyari ang sunog, pero naroon daw pala ang asawa niyang si Jovie na dalawang buwang buntis. Napilitan na nga raw itong tumalon mula sa balkonahe ng kanilang
bahay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Ang mahalaga ay safe naman daw silang lahat, kahit nawala na ang mga mamahaling gamit at mga alaala ni Ka Freddie.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with