Mga libro may puwang pa, Ryan at Juday hindi pinalalaking adik sa gadget ang mga anak!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

Ang ganda ng pagpapalaki nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa kanilang mga anak dahil kahit pinapayagan nila sina Yohan at Lucho na gumamit ng gad­gets ay kailangang may time sila to read books.

Ang ipinost na photo ni Judy Ann sa socmed na nagbabasa ng libro ang mga anak at mga pinsan yata ng dalawa ay may 295,000 views and likes na at puro positive ang comments.

Nagtanong ang isang netizen kung ano ang sikreto at naiba ang hilig ng millennials sa bahay niya.

“Give and take lang...:) we stick to our 1 hour rule when using gadgets.:) they have to read a book or at least finish 1 book or more before matapos ang bakasyon.:)”

Pinuri sina Ryan at Judy Ann lalo ng kapwa parents nila. Siguradong pati books na babasahin nina Yohan, Lucho at kasama nila sa reading club ay aprubado nina Ryan at Judy Ann.

Samantala, binago na ang poster ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, ang pelikula nina Judy Ann at Angelica Panganiban kasama sina Joross Gamboa at JC de Vera at showing na sa January 17.

Kris may pa-block screening din kay Erich

Matatandaang nagpa-block screening si Kris Aquino para sa pelikulang The Ghost Bride ni Kim Chiu at ngayon ay magpapa-block screening siya para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Siargao kung saan ang lead actress ay si Erich Gonzales. Suporta ni Kris ito kina Kim at Erich na hindi raw nagbabago at bilang ganti na na-maintain ang kanilang friendship.

Sabi pa niya, “Yung 2 are really my FAVORITES” na sina Kim at Erich ang tinutukoy. Hindi nga lang kaibigan ang turing niya sa dalawa, kung hindi panganay.

Sa Ayala Malls The 30th magpapa-block screening si Kris ng Siargao, this Thursday sa nasabing mall din kasi nakatayo ang latest at pang-10th branch ng Potato Corner at Nacho Bimby.

Nakabalik na si Erich from her Japan vacation, kaya present siya sa block screening ni Kris ng kanyang pelikula.

TOTGA nina Lovi, Max at Rhian lelebel sa Sex in the CIty

Mamayang gabi na ang presscon ng The One That Got Away malamang na isama na rin ang publicity photos na ibibigay ng GMA 7 mula sa pictorial nina Lovi Poe, Max Collins, and Rhian Ramos in their swimwear. Makikita na rin ang kabuuan ng photos na ipino-post ni Rhian sa socmed na naka-crop dahil bawal pa noong ilabas ang mga litrato na kung saan nagpatalbugan ang tatlo sa kaseksihan.

Ang Sex and the City ang sinasabing peg ng TOTGA, pero dahil tatlo lang ang lead actresses kung saan apat ang sa Sex and the City, parang totoo ang tsika na may isa pang sexy Kapuso star na madadagdag sa story na wish ng viewers ay si Solenn Heussaff dahil magle-level up ito sa paseksihan ng tatlo. Sabi pala ng fans, hindi nagpakabog si Lovi sa ipinost ni Rhian na sexy photos niya sa socmed, humabol si Lovi at kuha naman sa Coron, Palawan ang sa bakasyon nila ng BF na si Chris Johnson.

Anyway, sa January 15, na ang pilot ng TOTGA at papalit sa time slot ng My Korean Jagiya. Sa direction ito nina Maryo J. Delos Reyes at Mark dela Cruz.

EA biglang dinagsA ng offer

Si Edgar Allan Guzman pala ang kumanta ng theme song ng Deadma Walking na Biyaheng Langit. Ang scriptwriter ng movie na si Eric Cabahug din ang sumulat ng song na hopefully ay maisama sa ire-release na album ni Edgar.  Ang album muna ang uunahing tapusin ni Edgar bago harapin ang ibang offers. Kasama sa mga offer kay Edgar ang mini-series ng IdeaFirst Company na airing sa Cignal TV at may movie offer din ang Unitel Pictures. Bukod dito, tiyak na may mga offer pa sa aktor na nagpakita ng husay sa Deadma Walking. After My Korean Jagiya, patuloy na mapapanood si Edgar sa TV man at pelikula.

Sinabi ni EA  hindi na muna siya gaganap na gay role.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with