Toni bitin na bitin pa rin kay John Lloyd
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

May dalawang buwan na ring nakabakasyon (on indefinite leave) sa showbiz ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz kaya hanggang ngayon ay tila palaisipan pa rin sa marami kung kailan ang balik nito sa kanyang trabaho.

Sa nakaraang Christmas at New Year presentation ng weekly sitcom nina John Lloyd at Toni Gonzaga ay tila wala pa ring senyales na magbabalik sa nasabing program si John Lloyd anytime soon.

Dapat na sigurong kausapin si JLC ng pamunuan ng Kapamilya Network at tanungin kung may plano pa siyang bumalik sa kanyang iniwang programa o wala na nang ma-reformat ito without him.

Candy galit ang nararamdaman tuwing maalala ang dating asawa

Kapag naaalala ng actress-comedienne-host na si Candy Pangilinan ang pinagdaanan sa kanyang married life at pagkakaroon ng anak na may autism ay hindi niya mapigilan ang maging emotional.

Kinasal sila ng  ex-husband niyang si Gilbert Alvarado who cheated on her at nagkahiwalay sila when their son, Quentin (now 14) was only one month old. At that time, mataba si Candy dahil kapapanganak pa lamang niya, jobless at may emotional baggage dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang mister. Ang pakiramdam noon ni Candy ay pasan niya ang daigdig.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Candy pero dahil na rin sa kanyang pagmamahal sa anak, suporta ng kanyang pamilya, at well-meaning friends including her best friends na sina Karla Estrada at Gelli de Belen at higit sa lahat sa kanyang pananampalataya sa Diyos, unti-unting nakaba­ngon si Candy. 

Ang mga negatibong aspeto ng kanyang buhay ay unti-unti niyang pinalitan ng positibong outlook sa buhay lalupa’t mas kailangan siya ng kanyang anak na may special needs. Kung noon ay walang social skills ang kanyang teenage son, ngayon ay unti-unti na umano itong nag-i-improve.

Alden pinapayuhang sumubok na sa iba

Kung noong isang taon ay hindi natuloy si Alden Richards para makatambal ni Jennylyn Mercado sa local TV adaptation ng Ko­reanovela na My Love from the Star kung saan ang role na dapat para kay Alden ay napunta sa baguhang actor na si Gil Cuerva, may lumulutang na namang balita na kini-consider si Alden sa local TV remake ng isa pang Koreanovela, ang Descendants of the Sun na ipinalabas ng GMA.

Kung ito’y matutuloy, this time ay dapat nang tanggapin ni Alden kahit nangangahulugan ito na hindi ang ka-loveteam niyang si Maine Mendoza ang kanyang makakapareha kung hindi isa ring Kapuso actress.

Ngayong 2018, Alden and Maine should explore by working with other partners.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with