Aktor na sagana sa grasya ng beki palugi kung magbenta ng mga gadget
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

Pagdating sa usapin ng mga usong gadgets ay walang makakakabog sa isang kilalang male personality. Buy kung buy siya ng kung ano ang uso, hindi siya mauunahan, kailangang palagi siyang may latest na gadget, gaano man ‘yun kamahal.

At madali siyang magsawa, ilang linggo pa lang niyang ginagamit ang isang mamahalin niyang gadget ay ibinebenta na niya agad ‘yun nang palugi, dahil bibili na naman siya ang pinakabagong labas.

May kuwento naman pala sa likod nu’n, alam na alam ng kanyang mga katrabaho kung bakit siya ganu’n kabongga, wala naman kasing kahirap-hirap na nakukuha ‘yun ng kilalang male personality.

Kuwento ng isang source, “’Di ba, hindi naman siya nakikipagkaibigan sa mga poor? Puro mga yayamanin ang friends niya. Mula sa pagiging magkaibigan lang, e, mauuwi ‘yun sa relasyon.

“Malakas ang dating niya sa mga beki. Kasi nga, napakalinis niya sa katawan, parang palagi siyang bagong paligo, parang hindi siya narurumihan. From head to toe, wala kang maipipintas sa hygiene niya, kaya siya ang palaging gustong makasama ng kahit sinong beki.

“’Yun na nga ‘yun! Tumpak! Pa-booking ang guwapong perso­nality, mabenta siya sa merkado, lalo na sa mga beking professional na hindi buking ang sexual preference.

“Ikaw na ang flavor of the beki! Hindi ka ba magkakaroon ng mga gadgets na supera-mahal at usung-uso? Natural, dahil malakas siyang kumita, ano na lang ba namang sundin niya ang mga luho niya?

“E, hindi nga naman siya ipinanganak na mayaman, di ba? Saka magkano lang ba naman ang talent fee niya sa mga ginagawa niyang serye, e, hindi naman siya ang bumibida?

“Kaya naisipan niyang i-share ang katawan niya sa mga beking gumagastos talaga! Sandaling panahon lang, may datung na agad siya, mabibili niya na naman ang mga luho niya!

“Pero may karelasyon nang beki ngayon ang male personality, hindi na siya palipat-lipat ng kandungan, isang madatung na gay benefactor ang mayhawak sa kanya ngayon. Sunod ang luho niya, nakukuha niya ang lahat ng gusto niya, kaya napakarami niyang gadgets na pinapangarap lang ng mga kasamahan niyang artista.

“Magaling ang male personality na ‘yun, maaga siyang natuto sa buhay, hindi muna siya nakikipagrelasayon sa mga girls dahil abalang-abala pa siya sa mga beki!” kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Game na game sa walwalan John Lloyd hindi na interesado sa showbiz?!

Nagpadala na naman sa kanyang emosyon si John Lloyd Cruz. Nag-post na naman siya ng mga salitang hindi kagandahan na hindi dapat tularan ng mga kabataang tagasuporta niya.

Patapos na lang ang nakaraang taon ay nagpabigla-bigla na naman siya, gumamit siya ng salitang may kabastusan, tulad ng ginawa niyang pagdi-dirty finger nu’ng mga unang araw pa lang ng relasyon nila ni Ellen Adarna.

Ang dami-dami namang terminong puwedeng gamitin sa pagiging emosyonal, libu-libong salita ang maaaring ipampalit sa ginamit niyang salita, sana’y nag-iingat ang magaling pa namang aktor sa kanyang ipino-post dahil du’n siya hinuhusgahan.

Nakakaawa rin si Ellen Adarna, ito kasi ang palaging pinagbubuntunan ng sisi kung bakit nagiging pasaway ngayon si JLC, hindi lang ang kanyang sarili ang inilalagay ni John Lloyd sa kahihiyan kundi pati ang kanyang girlfriend.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Lasing na naman siguro si John Lloyd nu’ng mag-post siya ng ganu’n. Ang mga walwal kasi, alam naman nila ang mga ginagawa nila, kaya lang, mabilis silang magdesisyon.

“Parang hindi sila nag-iisip nang makalawa, pabigla-bigla sila, kapag nahimasmasan na sila, e, saka lang nila mari-realize ang mga kahihiyang ginawa nila. Pero sikat na personality si Lloydie, kahit anong gawin niya ngayon, minamarkahan ng publiko.

“Dapat, nag-iingat siya. Huwag siyang maging masyadong comfortable sa pag-iisip na anytime na maisipan niyang bumalik sa trabaho niya, e, basta ganu’n na lang ‘yun, tatanggapin siya nang dalawang-kamay.

“Napakarami nang artista ngayon, marami nang choices, napakabilis ng transition. Baka kung kailan gusto na niyang bumalik at magpaka-active, e, sarado na pala para sa kanya ang mga pintuan,” makabuluhang unsolicited advice ni prop kay JLC!

Tama!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with