Mga ipamamana sana ni Ka Freddie sa mga apo kasamang naabo!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

Nakatira kami ni Freddie Aguilar sa isang village sa Quezon City kaya nabalitaan ko agad na nasunog ang bahay niya noong Martes nang gabi.

Worth P20 million ang estimate sa mga ari-arian ni Freddie na tinupok ng apoy.

Nasunog ang lahat ng mga koleksyon ni Freddie tulad ng mga gitara, original albums, paintings at mga parangal.

Nabibili pa sa mga music store ang mga record album ni Freddie kaya madali ito na palitan. Ang mga award na natanggap niya sa local at international scene ang hindi na mapapalitan kaya mananatili na lang na alaala.

Nalulungkot si Freddie dahil naabo ang mga importanteng gamit na balak niya na ipamana sa kanyang mga apo.

Kung may ipinagpapasalamat si Freddie, walang nasaktan sa mga miyembro ng pamilya niya na nakalabas ng nasusunog na bahay dahil dumaan sila sa balcony at tumalon sa bubong ng bahay ng kanilang mga kapitbahay.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa music room ng bahay ni Freddie.

Seventy percent ng bahay ang nasunog dahil mabilis na kumalat ang apoy na nagsimula ng alas-onse ng gabi at naapula ng 11:38 ng gabi.

Martin carbon copy ang bunso

Masaya at memorable ang Pasko ni Martin Nievera dahil for the first time, nag-celebrate ng Pasko sa Pilipinas si Santino, ang youngest son niya.

Si Santino ang produkto ng pagmamahalan noon nina Martin at Katrina Ojeda.

Carbon copy ni Martin si Santino dahil sa tatlong anak niya, ang bagets ang kamukhang-kamukha niya. Hindi ako magtataka kung minana rin ni Santino ang galing sa pagkanta ng tatay niya.

May laban si Manny Pacquiao sa Las Vegas nang makita ko sina Martin at Katrina sa Wynn Hotel.

Ipinagbubuntis pa lang noon ni Katrina si Santino pero hindi niya idine-deny na magkakaroon na ng bunga ang relasyon nila ni Martin.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkikita namin ni Martin sa Wynn Hotel dahil buhay pa noon si Rudy Fernandez na kasama namin sa panonood ng laban ni Pacquiao. Nang bumalik sa Pilipinas si Rudy, nagpa-check up ito sa isang ospital kaya nalaman niya na may kanser siya.

Maine naki-birthday kay Alden

Hindi agad umuwi ng bahay si Alden Richards pagkatapos ng birthday celebration nito sa Eat Bulaga noong Martes dahil nagpunta pa siya sa Concha’s Garden sa Quezon City para sa kanyang birthday treat sa mga close friend niya.

Ang Concha’s Garden ang restaurant na pag-aari ni Alden kaya ito ang perfect venue niya para sa kanyang 26th birthday party.

Siyempre, special guest ni Alden si Maine Mendoza, ang mga kasamahan nila sa Eat Bulaga at ang kanyang mga katrabaho sa Sunday PinaSaya.

Dumating din ang buong pamilya ni AiAi delas Alas na parang second family na ni Alden.

Sumuko ang isang basher ni Sophia, ang anak ni AiAi dahil nakatikim siya ng sagot mula sa pamilya ni AiAi. Nagkomento ng negatibo ang basher tungkol sa pag-angkla ni Sophia kay Alden kaya hindi siya tinantanan ng mga anak ni AiAi na mas matindi ang resbak sa kanya.

Mali na i-link si Sophia kay Alden dahil may boyfriend siya ‘no! Talagang parang magkapatid lang ang turing nila ni Alden sa isa’t isa dahil second mom ang trato ng aktor sa nanay ni Sophia.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with