Vic, Vice at Coco

Isang bilyon ng MMFF malapit na!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

Pinanindigan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) organizer na ‘wag maglabas ng breakdown nang kinita ng mga pelikulang bahagi ng annual film fiesta.

Pero nanatiling malakas at pinipilahan ang Gandarrapiddo at Ang Panday. Hindi na sila napalitan sa no. 1 and no. 2.

Pang third ang Meant to Beh.

Ang mga tinanggal naman na Deadma Walking and Ang Larawan ay unti-unting nakakabangon matapos ibalik sa mga sinehan. Maganda ang mga review ng dalawang pelikula kaya pinalitan na rin ang ibang hindi na kumikita. Parehong Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Deadma… and Larawan.

Hanggang Linggo pa ang filmfest at sana ay nadagdagan ang mga nanonood.

May ibang mga estudyante na back to school na kaya may pag-asa pa talagang lumakas ang iba pang mahina sa takilya.

Ang Gandarrapiddo umano’y naka-P400 million na ayon kay Vice Ganda. “400Million THANK YOUs mga ka-SQUAD!!!! Kaway kaway mga members ng #TeamHappy !!! Ravaaaan!!!,”  tweet ng komedyante.

Inaabangan ngayon kung aabot sa P1 billion ang kita ng lahat ng pelikula lalo na nga’t medyo nagmahal ang bayad sa sine. Kung P400 million, ayon sa isang source, more than P200 million ang Panday kaya more or less P450 million na lang ang hahatiin ng anim na pelikula para umabot sa isang bilyon.

Eh malaki rin daw ang kita ng Meant To Beh ni Vic Sotto.

Noong 2015 ay umabot na sa P1 billion ang kita ng MMFF at ‘yun ang inaasahang malalampasan ng MMFF organizer ngayong taon.

FDCP nag-iimbita para palakasin ang documentary filmmaking

Nag-iimbita ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa SineSaysay Documentary Film Lab and Showcase.

Ang SineSaysay Film Lab and Showcase ay naglalayong palakasin ang documentary filmmaking and filmmakers sa bansa. “With the words sine (film) and saysay (meaning), the program combines the power and beauty of filmmaking with meaningful and real stories of our people, society and world,” ayon sa pahayag ng FDCP.

Katuwang sa proyekto ng ahen­siyang pinamumunuan ni Chairperson and CEO Liza Diño ang National Historical Commission of the Philippine (NHCP) para maipakita sa documentary films ang mga pangyayari sa ating kasaysayan na nakatulong para marating ng ating bayan ang kinaroroonan natin.

Meron silang dalawang categories, ang Bagong Sibol Documentary Lab and Feature Documentary Showcase.

Ang mapipiling projects sa Bagong Sibol Docu Lab at  Feature Docu Showcase ay bibig­yan ng seed money  para masimulan nila ang kanilang magiging obra at kung mapipili ng selection committee ay bibigyan sila ng additional funds na sasagutin ng FDCP at NHCP.

Para sa karagdagang detalye, puwedeng mag-email sa sinesaysay@gmail.com.

KomedyanteNG si Tekla nanghihingi ng tulong sa kapatid na OFW na namatay sa Kuwait

Oww kawawa naman ang komedyanteng si Super Tekla na namatay ang kapatid na OFW sa Kuwait

Sa kanyang ini-upload na video sa Facebook account niya, umaapela ang Kapuso comedian na tulungan sila ng Philippine Embassy na malaman kung pinatay o nagpakamatay ba ang kanyang kapatid.

Sana po matulungan tayo ng Embassy na masilip po ang kaso ng kapatid ko para malaman po namin kung siya po ay pinatay o nagpakamatay,” apela nito sa kanyang video.

 “Ngayon po, kung siya naman po talaga ay nagpakamatay, tatanggapin po namin ‘yan, pero please, kailangan po namin na matulungan kami ng ating Embassy at ng ating gobyerno para matingnan at mabigyan ng agarang aksyon ang pagkamatay ng kapatid ko sa Kuwait,” dagdag nito na ang tunay na pangalan pala ay Romeo Librada na lumabas sa GMA.com.

Matatanggap po namin kung talagang nagpakamatay siya. Wala naman po kaming magawa. Pero ho, sakali hong bigyan kami ng pagkakataon na masilip po ang sitwasyon po ng kapatid ko diyan sa Kuwait para po ma-prevent pa natin kung saka-sakaling may mga insidente pang mangyayari ulit sa mga kababayan natin na nag-iibang-bansa na inaabuso tapos pinapalabas nila na nagpakamatay.”

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with