AlDub kulang na sa init ang dating!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

PIK: Ipinost ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ang pagdalaw niya sa Eat Bulaga studio nung nag-live ang noontime show last January 1.

Nakaugalian na nila na magkakaroon agad ng bonggang pasabog sa unang araw ng taon. Araw din ‘yun nang pagbabalik ni Maine Mendoza pagkatapos ng holiday vacation niya sa Amerika.

Pero hindi pa makakabalik si Pauleen sa Eat Bula­ga dahil hinihintay pa rin naman daw niya ang payo ng management kung kailan siya babalik.

Miss na miss na raw niya ang show pero nauubos naman ngayon ang oras niya sa pag-aalaga kay Baby Talitha nila ni Bossing Vic Sotto.

Kaya tantiya raw niya, tatlo hanggang apat na buwan pa bago siya makakabalik ng Eat Bulaga.

PAK: Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ni Edgar Allan Guzman ang pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival.

Ipinost niya kamakailan lang ang trophy na natanggap niya na kung saan sinabi niyang masarap ang pakiramdam na nakatanggap siya uli ng award after five years.

Sabi pa niya; “Sana makakuha pa ako ulit ng ganitong parangal sa 2018!”

Hindi masama kay EA na umasa sa iba pang award-giving bodies dahil marami nga naman ang nagsasabing may masusungkit pa siyang award sa napakagaling niyang performance sa Deadma Walking.

Hindi rin niya nakakalimutang ialay ang award na iyun sa namayapa niyang ama, na kung saan dinala niya ang kanyang trophy sa puntod nito.

BOOM: Nag-trending sa Twitter ang hashtag na #AldenRichardsAt26 kung saan ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa Eat Bulaga kahapon. Ang daming sorpresang inihanda para sa Pambansang Bae, pero ang isa sa highlight siyempre ay ang pa­sabog na birthday cake na iniregalo ni Maine Mendoza kay Alden.

Personal na obserbasyon naman namin, parang hindi na ganun kainit ang tandem ng dalawa, at tama nga yata ang hula ng karamihan na nanga­nga­nib nang mabuwag ang AlDub loveteam.

Nakausap namin ang magaling na Spirit Questor, Psychic na isa ring lawyer na si Nick Nañgit, iba ang tingin niya sa loveteam nina Alden at Maine ngayong 2018.

Ang sabi lang niya; “Dapat i-repackage sila, kung gusto pa nilang magsama silang dalawa.

“Positive pareho ang vibes nila, ‘yun nga lang si Maine, more ang focus niya sa personal life niya.

“Iba kasi ang public life niya, iba yung personal life niya. So, nahihirapan siya.”

Dagdag niyang pahayag; “Si Alden naman, professional ‘yung kanyang career. Professional life niya will be very good this year!”

Nabanggit pa nga niyang kayang bumongga uli ang career ni Alden kahit wala na siyang ka-loveteam.

Abangan na lang natin kung matutuloy itong pro­ject na posibleng pagsasamahan daw nila ni Jasmine Curtis-Smith.

Tingnan natin kung tatanggapin ito ng buong AlDub nation.

Happy birthday Alden Richards!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with