Pagbabalik ni Maine, trending
(Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

SEEN: Walang tatalo sa fireworks display ng Philippine Arena nang salubungin ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang pagpasok ng 2018. Tumagal ng 35 minutes ang fireworks display na ginas­tusan ng milyun-milyong piso.

SCENE: Si Willie Revillame ang host ng Countdown to 2018 ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena. Habang nagaganap ang fireworks display, namigay ng mga jacket sa audience ang host ng game show na Wowowin.

SEEN: Hindi pa kilala ang karamihan sa mga baguhang aktres na kasali sa fashion show segment ng New Year Countdown ng GMA 7 sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia.

SCENE: Performer sa Countdown to 2018 ng GMA 7 si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen Marquez. Nadagdagan ang self-confidence at lalong gumanda si Teresita mula nang magkaroon siya ng international beauty title.

SEEN: Nag-trending kahapon sa social media ang pagbabalik ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga. Parang sinadya na walang nagbiro o nagtanong kay Maine sa mga host ng Eat Bulaga tungkol sa kanyang matagal na pagkawala.

SCENE: Nadagdagan kahapon ang bilang ng mga nagrerekomenda sa publiko na panoorin ang Deadma Walking ng T-Rex Entertainment at OctoArts Films dahil sa word of mouth na maganda, entertaining at hindi basta gay movie ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

SEEN: Nagbabakasyon pa si Vice Ganda sa Amerika kaya hindi kumpleto kahapon ang mga host ng It’s Showtime sa live telecast nito sa first Monday ng 2018.

SCENE: Ikakasal sa February 2018 si Kenneth, ang panganay nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco. Ang mga ninong at ninang niya sa binyag ang kinuha ni Kenneth na ninong at ninang sa kanyang kasal.

SEEN: Ikinasal noong December 25 sa New York City si Tim Yap at ang kanyang boyfriend na si Javi Martinez Pardo. Nag-propose ng kasal si Tim kay Javi noong January 2017.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with