Jake nainggit sa ginawa ni Coco!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2017 - 4:00pm

Kabilang si Jake Cuenca sa pelikulang Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin. Si Coco rin ang nagprodyus at nagdirek ng nasabing proyekto. Para kay Jake ay mahu­say bilang direktor si Coco kahit ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagdirek ito. “I love it. I love him as a director. Lahat ng artista, we all wish to have an actor as director. Coco Martin is an actor’s director. Naiintindihan niya kung anong pinagdadaanan ng artista in a scene-to-scene basis. Not a lot of current directors know that,” nakangiting pahayag ni Jake.

Ang binata ang napiling gumanap bilang si Lizardo sa makasaysayang pelikulang pinasikat noon ng Hari ng Aksyon na si Fernando Poe, Jr. Nagampanan daw nang maayos ni Jake ang kanyang karakter dahil sa tulong ni Coco. “Hindi ka niya ilalagay sa alanganin. In this movie, he just let me play. He trusted me so much na makakapagbigay ako ng performance na kakaiba. I am so happy. Nanonood ako ng fight scene noong huli, halos naiiyak ako kasi ang ganda. Ang ganda ng movie na ito. I am so lucky to be part of this movie,” pagbabahagi ni Jake.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring makapagdirek ng aktor katulad ni Coco. “I am going to study first. I don’t want to direct until I study. Like with acting, my confidence comes from what I studied. When it comes to directing, the day that I do it, gusto ko at par ang directing ko with my acting,” giit ng aktor.

Direk Paul naging alerto nang magkapamilya

Ang asawa ni Toni Gon­zaga na si Paul Soriano ang direktor ng pelikulang Siargao na pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Jasmine Curtis-Smith at Jericho Rosales.

Ayon kay direk Paul ay palaging nakasuporta sa kanya si Toni sa tuwing may ginagawang pelikula. “She’s by my side. She does, she’s also an actress. She’s an artist in her own right so it’s also awesome to get her opinion, especially from her filmo­graphy of romantic-comedies. In all my films, especially Siargao because this dealt with the romance genre, she was really active and was helping me with it,” pagbabahagi ni Paul.

Matagal na nag-shoot sa Siargao ang kanilang buong grupo para mapaganda ang proyekto. Nagpunta pa raw sina Toni at Paul kasama ang anak na si Seve sa lugar bago mag-shooting ng pelikula.

Samantala, nagbago na ang pananaw ng direktor sa buhay mula nang magkaroon ng sariling pamilya. “It exercises my peripherals. I used to just see straightforward. Now I see the left and the right especially with a little boy running around the house. You have to be alert. But yes, I see everything differently. There’s this new energy inside me. I live for my little boy now. I am also now a child again,” paliwanag ni direk Paul.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with