Joanna at Rachel

Deadma walking at larawan tax free!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2017 - 4:00pm

Isang pelikula na lang ang hindi pa nari-review ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa walong kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Sa pitong ni-review, dalawa ang Graded A – Deadma Walking starring Edgar Allan Guzman and Joross Gamboa and Ang Larawan na pinagbibidahan ng Broadway star na si Joanna Ampil and Rachel Alejandro.

Graded B ang lima pang  napili sa taunang film fiesta – Ang Panday, Siargao, Gandarrapiddo: The Revenger Squad, Haunted Forest, and All of You.

Ang Meant to Beh nina Vic Sotto and Dawn Zulueta ang huling ire-review.

Tax free na ang mga pelikulang kasali sa MMFF at naga­gamit lang nila ang tax incentives mula sa gobyerno pagkatapos ng 10-day festival. One hundred percent ang rebate ‘pag naka-A at 65% ‘pag grade B.

Eh ‘pag nagustuhan ng manonood ang isang pelikula, umaabot ng three weeks ang showing nito at doon na nakikinabang sa incentives ang mga producer.

Mga artista ng star magic hataw sa festival

Santambak ang alagang artista ng Star Magic sa walong pelikulang kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

May bida, kontrabida, at supporting.

Nangunguna sa listahan ang Ang Panday and Gandarrapiddo: The Revenger Squad. 

Malaking pagkakataon kay Jake Cuenca ang gumanap na pangunahing kontrabida bilang Lizardo kay Panday (Coco Martin) sa fantasy action film na Ang Panday. Bahagi rin ng pelikula ang sumisikat na love­team na sina McCoy de Leon/Elisse Joson, and PJ Endrinal, at child star na si Onyok Pineda.

Nagbabalik naman sa MMFF si Daniel Padilla bilang Rappido, kasama si Vice Ganda and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Pasok din sa movie ang teen star na si Loisa Andalio at si Ejay Falcon sa maiksi pero importante ang role.

Isa pang nagbabalik sa MMFF si Jericho Rosales na isa sa mga bida sa pelikulang Siargao kasama ang nagbabagang actress na si Erich Gonzales and Jasmine Curtis-Smith. Napasama rin dito ang GirlTrends member na si Mika Javier sa pelikulang idinirek ni Paul Soriano.

Pinangungunahan naman ng mga artista ng Star Magic ang nag-iisang horror flick sa MMFF ngayong taon.

Pagkatapos ng tagumpay ng barkada thriller movie Bloody Crayons, magkasama sina Jane Oineza and Maris Racal sa pagbabalik sa big screen together with Hashtags members Jon Lucas and Jameson Blake, as well as Miho Nishida sa Haunted Forest ng Regal Films.

Sina Daniel Matsunaga, Thou Reyes, and Sue Ramirez naman ay sumabak sa pagpapatawa bilang bahagi ng family comedy Meant to Beh starring Vic Sotto and Dawn Zulueta. 

Pinupuri naman si Paulo Avelino sa pelikulang Ang Larawan starring Joanna Ampil and Rachel Alejandro kasama si Rayver Cruz sa big screen adaptation of the stage musical Ang Larawan.

Ang iba pang mapapanood sa Pasko ay ang Star Magic angel Hannah Ledesma, sa Jennylyn Mercado and Derek Ramsay MMFF reunion film All of You. Kasama rin sa pelikula si Nico Antonio sa isang importanteng role.

Pasok naman sa comedy musical Deadma Walking si Dimples Romana.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with