Dennis tuhog sa tatlong magaganda at seksing babae
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2017 - 4:00pm

Sabi ni director Maryo J. Delos Reyes, sa January 15, 2018 na ang pilot airing ng bagong teleseryeng kanyang idinidirek sa GMA 7 na The One That Got Away. Ito raw ang papalit sa My Korean Jagiya na gusto pang ma-extend ng viewers.

In all fairness, kung marami ang ayaw pang magtapos ang My Korean Jagiya, marami rin ang naghihintay sa TOTGA lalo na nang malamang ang hit US TV series na Sex and the City ang peg ng sexy rom-com series na tinatampukan nina Lovi Poe, Max Collins, at Rhian Ramos. Si Dennis Trillo na gaganap na common ex nila.

Tuluy-tuloy ang taping ng TOTGA at marami ang naiinggit kay Dennis dahil tatlong magaganda at nagseseksihang babae ang kasama niya. 

Daniel nilayasan na ng gf na polish

Lumayas agad si Daniel Matsunaga after ng general presscon ng Meant To Beh. Feeling ng press, umiiwas si Daniel na matanong tungkol sa GF niyang si Karolina Pisarek. “Piekna” ang tawag ni Daniel sa modelo na ang ibig sabihin ay “beautiful” in Polish.

Pero bago umalis sa presscon, nasabi ni Daniel na masaya siya na makasama at makatrabaho sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Nakabalik na sa Poland si Karolina, pero sa post nito sa Instagram (IG) babalik siya “soon” to be with Daniel. Kasama nila sa bakasyon sa Coron, Palawan ang sister, bayaw, at pamangkin ni Daniel.

Nakakalungkot lang na may mga kontrabida sa relasyon nina Daniel at Karolina at kung anu-ano ang inaakusa kay Daniel.

Haunted Forest may ipakikilalang sitsit

Ang ganda ng BTS (behind-the-scene) na ipinu-post ni director Ian Lorenos ng ilang eksena ng Haunted Forest, entry ng Regal Multimedia, Inc. sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF). May eksena na kuha sa gubat at ang ganda ng lighting.

Tinanong ng press si direk Ian kung ano ang maipapakita ng Haunted Forest na hindi pa napanood sa ibang horror movie. Sagot nito, pinaghalo niya ang style niya at style ng Regal na organic formula sa paggawa ng horror movie.

Makikilala sa Haunted Forest ang “sitsit” na isang nilalang na nangunguha ng babae. Sa Samar daw kilala ang sitsit.

Ikinatuwa naman nina Maris Racal, Jameson Blake, Jon Lucas, at Jane Oineza ang sinabi ni direk Ian na mababait sila at willing to learn.

Glaiza magbibida sa hapon

Pagbibidahan ni Glaiza de Castro ang Contessa, isa sa bagong teleserye ng GMA Network. In-announce ni Glaiza ang tungkol dito sa Christmas Party for the Press ng network.

Makakasama ni Glaiza sina Gabby Eigenmann, Jak Roberto, at Geoff Eigenmann na Kapuso na uli.

Nasa cast din si Lauren Young na fan ni Glaiza dahil tuwang-tuwang maka­trabaho siya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with