Coco isusunod ang batang Quiapo, show ng mga lola papalitan na
(Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2017 - 4:00pm

SEEN: Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Kamandag ng Droga sa Cinema 7 ng SM Megamall. Inaasahan na dadalo sa premiere si Mocha Uson dahil may special participation siya sa pelikula na tinatampukan nina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, at Sarah Lahbati.

SCENE: Ang rare appearance ng former sexy star na si Sarsi Emmanuelle sa special screening sa Dream Theater ng Cultural Center of the Philippines ng kanyang 1985 movie na Bomba Queen. Malaki na ang ipinagbago ng physical appearance ni Sarsi na hindi inilihim na nalulong siya noon sa masamang bisyo.

SEEN: General Patronage ang classification ratings ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Ang Panday ni Coco Martin at Gandarappiddo: The Revenger Squad nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, at Daniel Padilla. Sigurado nang pipilahan ng mga maliliit na bata sa box-office ang Ang Panday at Revenger Squad sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa December 25. Parehong official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ang Revenger Squad at ang pelikula ni Coco.

SCENE: Ang balita na babawiin na ng GMA-7 ang morning timeslot na ipinahiram nila sa APT Entertainment, Inc. Diumano, hinihintay lamang ng GMA-7 management na matapos ang Lolas’ Beautiful Show nina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

SEEN: Ang television remake ng Batang Quiapo ang next primetime teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN pagkatapos ng Ang Probinsyano. Blockbuster movie nina Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano ang Batang Quiapo noong 1986.

SCENE: May special participation sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Meant to Beh, ang romantic comedy movie nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na official entry sa Metro Manila Film Festival 2017.

SEEN: Sina Marco Gumabao at Shy Carlos ang bagong loveteam na ibi-build up ng Viva Films. Magkapareha sina Marco at Shy sa Para Sa Broken Hearted na sequel ng Para sa Hopeless Romantic, ang mga libro ni Marcelo Santos III na isinalin ng Viva Films sa pelikula.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with