^

PSN Showbiz

Heart at Chiz sumusuboknang gumawa ng baby sa Amanpulo!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart at Chiz sumusuboknang gumawa ng baby sa Amanpulo!

Heart Evangelista

MANILA, Philippines — Nag-quick vacation pala ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa Amanpulo recently. Obvious na nag-recharge ang mag-asawa. O baka naman sinusubukan na nilang gumawa ng baby? Nakabuo nga kaya sila?

Pero ang isang sure ay nagpakita ng kaseksihan ang Kapuso actress sa kanyang mga post sa IG at nag-enjoy siya sa pagtatampisaw sa tubig. “The secret ingredient to a sparkling vacation: Just add water!,” caption ni Ms. Heart sa kanyang IG photos na balitang hanggang next year pa mapapanood sa patok na seryeng My Korean Jagiya.

Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros

JoWaPao mas bumigat ang responsibilidad

Ratsada ang career nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros. At hindi lang sa Eat Bulaga ha, pati na rin sa kanilang morning talk show The Lolas’ Beautiful Show at bagong pelikula na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies.

Yup, ang tatlong hosts/comedians na mas kilala bilang JoWaPao ay isinasabuhay araw-araw since September ang karakter nina Lola Tidora, Lola Nidora, at Lola Tinidora sa kanilang late morning program na  The Lolas’ Beautiful Show na napapanood bago mag-Eat Bulaga.

Ang 30 minutong programa ay nagbabahagi ng mga kuwento ng mga paborito nating artista at mga aral na kanilang natutunan sa buhay at pag-ibig. Mapapanood din ang pagbibigay ng mga lolas ng words of wisdom.

“Ang programa ay parang extension ng Kalyeserye. Pareho pa rin ang mga karakter namin pero mas marami na kaming nakakausap at nakikilalang tao. Mas nakakapaghatid kami ng tuwa at ligaya sa manonood dahil na rin sa good vibes na hatid ng show,” saad ni Wally.

Ayon sa tatlo, isang sorpresa sa kanila ang mabiyayaan ng The Lolas’ Beautiful Show.

“Masaya kami sa oportunidad na ito dahil alam namin na hindi araw-araw na may dumarating na ganitong blessing. Andun din ‘yung pakiramdam na mas may malaki kaming responsibilidad sa manonood. Pinag-aaralan namin ang lahat. Pinag-uusapan ang bawat episode ng programa dahil gusto namin na makapagbigay ng kalidad na show sa kanila,” dagdag naman ni Paolo.

Para naman kay Jose, nagpapasalamat siya dahil kahit dalawang taon na ang lumipas simula nang maipakilala sa telebisyon ang mga lolas sa Kalye­serye, patuloy pa rin itong sinusundan at tinatangkilik ng manonood.

Sa ngayon, nananalangin din ang tatlo na tangkilikin sila sa bago nilang  pelikula ang Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies na handog ng APT Entertainment at M-ZET TV Production, Incorporated na showing na simula bukas, Miyerkules.

At kahit wala na silang pahinga, walang reklamo ang tatlong lola.

Mas gusto nila na marami silang trabaho na nakasanayan na ng katawan nila.

Sandino at Agot

Changing Partners waging-wagi

Waging-wagi ang pelikulang Changing Partners na nakasungkit ng walong award sa ginanap na 2017 Cinema One Originals Film Festival Awards Night.

Ang Changing Partners ay film adaptation ng stage play na kuwento ng isang kakaibang relasyon starring Agot Isidro (na nanalong best actress) and Jojit Lorenzo (waging best actor).

Maging sa takilya ang Changing Partners din daw ang nangunguna sa isinasagawang C1 filmfest.

Anyway, narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:

AUDIENCE CHOICE

Changing Partners

CHAMPION BUGHAW AWARD

Changing Partners

C1 MINUTE TOP STUDENT FILM

Carlo Canlas of La Verdad Christian College, Pampanga (Saludo)

BEST SOUND

Leeroy New (Nervous Translation)

BEST MUSICAL SCORE

Vincent De Jesus (Changing Partners)

BEST PRODUCTION DESIGN

Donald Camon and Julius Somes (Historiographika Errata)

BEST EDITING

Marya Ignacio (Changing Partners)

BEST CINEMATOGRAPHY

Alex Espartero (Historiographika Errata)

BEST SCREENPLAY (FULL LENGTH NARRATIVE)

Paki (Giancarlo Abrahan)

BEST DIRECTOR

Dan Villegas (Changing Partners) and Giancarlo Abrahan (Paki)

ACTING CATEGORY

(FULL LENGTH NARRATIVE)

BEST SUPPORTING ACTRESS:

Mae Paner (Si Chedeng at Si Apple)

BEST SUPPORTING ACTOR

Ricky Davao (Paki)

BEST ACTRESS

Agot Isidro (Changing Partners)

BEST ACTOR

Jojit Lorenzo (Changing Partners)

BEST ENSEMBLE ACTING AWARD

Changing Partners

BEST FILM/PICTURE (DOCUMENTARY)

Bundok Banahaw, Sacred and Profane (director Dempster Samarista)

SPECIAL MENTION

Si Chedeng at Si Apple – For its humorous critique on Filipino macho culture and its discourse on the emancipation of gender and age.

JURY PRIZE

Historiographika Errata

BEST FILM/PICTURE (FULL LENGTH NARRATIVE)

Paki

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with