Magandang female personality burara sa dressing room!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2017 - 4:00pm

Sa biglang tingin ay kahanga-hangang pumorma ang isang magandang female personality. Parang areglado ang lahat, parang pinaghandaan niya talaga ang okasyon, parang walang kulang sa porma niya.

Pero pinagtsitsismisan siya ng kanyang mga kapwa artista, siya rin ang dahilan ng pagbubulungan ng mga stylists, marami palang lihim ang female personality habang nag-aayos siya.

Sabi ng isang source, “Burara siya. Para siyang hindi babae. Mahilig siya sa kahit ano na lang. Kunwari, malaki sa kanya ang dress, lalagyan lang niya ‘yun ng perdible.

“Malakas naman siyang kumita, meron naman siyang pambili, pero wala man lang siyang sewing kit para magamit niya kapag may problema sa outfit niya. E, kadalasan nga, hindi naman fit talaga sa kanya ang mga dress niya!

“Ano ba namang bumili siya ng isang sewing kit para nandu’n na ang lahat-lahat ng mga kailangan niya? May pangtahi na siya kung may punit, may panggupit siya sa mga nakalaylay na sinulid ng damit niya, ‘di ba?

“Tama bang ang dami-daming palpak sa suot niya, pero wala siyang pakialam? Burara siya, daig pa siya ng mga kasamahan niyang artistang lalaki na may dala-dalang panahian kapag nasa location sila,” nakairap na kuwento ng aming source.

Mabigat ang loob niya sa isang young actress na wala namang masamang ginagawa sa kanya. Para lang naman sa kabutihan niya ang ginawa ng taong ‘yun na kinaiinisan niya.

“Magka-share sila sa isang dressing room nu’ng minsan. E, napansin ng girl na pinagsasama-sama niya ang malilinis at marurumi niyang damit sa isang lalagyan lang.

“Bongga siyang tingnan kung manamit, pero burara talaga siya, kaya ang ginawa ng ka-share niya sa dressing room, e, binigyan siya ng black bag.

“Sabi ng girl, ‘Iyo na ito, para may mapaglagyan ka ng mga used stuff mo. Maghahalu-halo kasi ang amoy kapag hindi mo pinaghiwalay ang mga naisuot mo na at isusuot mo pa lang.’

“Na-offend ang hitad, sinimangutan niya ang girl at mula nu’n, parang hindi na niya pinapansin ang kasamahan niyang female personality. Gagalit-galit pa siya, buti nga, pinagmamalasakitan siya ng kasamahan niya!

“Naku po, bahala na kayong manghula kung sino ang burarang babaeng ito. Kaya n’yo po ‘yan, sa totoo lang po, kilalang-kilala n’yo kung sino siya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Maria Isabel, hindi bumenta ang mga palusot sa ASEAN lanes

Dapat lang namang mabigyan ng leksiyon si Maria Isabel Lopez sa pinairal niyang kawalan ng respeto sa batas. Hindi lang pagkontra sa ipinatutupad na security protocol ng ating pamahalaan ang ginawa niya kundi ipinagyabang pa niya ang isang ehemplong hindi dapat tularan ng kahit sino.

Hindi na kailangang mamalengke ng aktres-beauty queen, mula sa umaga hanggang gabi ay puro masasakit na salita ang ipinakakain sa kanya ng mga netizens, busog na busog siya sa mga negatibong komento ngayon.

Kahit ano pa ang ikatwiran ni Isabel ngayon bilang palusot ay wala nang maniniwala sa kanya. Pagtataasan lang ng kilay ang mga alibi niya, ang mga dahilan niya, dahil nagpakita na siya ng kawalan ng paggalang sa batas.

Matalino naman si Maribel, pabibo pa nga palagi ang kanyang dating na parang alam niya ang lahat, pero sinadya niyang laruin ang batas sa pagtatanggal ng mga orange barriers sa kalye para lang magamit niya ang special lanes na para lamang sa mga de­legadong pinuno ng iba-ibang bansa sa ginaganap na ASEAN Summit.

At dahil may kaangasan nga ang aktres na ito ay ipinost pa niya sa social media ang pagiging pasaway niya. May pasigaw-sigaw pa siya na para bang gusto niyang ipamukha sa buong mundo na naisahan niya ang ating gobyerno.

Ano ngayon ang naging resulta ng pagiging pasaway niya? Kukumpiskahin ng mga sangay ng ating pamahalaang nagpapairal ng batas sa kalye ang kanyang driver’s license.

At hindi ‘yun biro, totoong binigyan siya ng leksiyon, na karapat-dapat lang naman para sa isang taong hindi nag-iisip na sobrang kahiya-hiya ang kanyang ipinakita sa mukha ng buong mundo.

Kung kailan nagkaedad si Maria Isabel Lopez ay saka pa siya nagkaganito. Makatsang na siya nu’n, mapaghanap na siya ng atensiyon, pero hindi tama ang ginawa niyang paghahamon sa batas sa pagiging pasaway.

Ano kaya ang masasabi ngayon ni Ms. Stella Marquez Araneta at ng mga opisyales ng Binibining Pilipinas Charities na mortal na kalaban ni Maribel?

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.