Jessy Mendiola at Luis Manzano

Jessy parang nabaliw nang isama ni Luis sa langit!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2017 - 4:00pm

“P ara akong baliw, tumatawa habang umiiyak sa taas!,” sabi ni Jessy Mendiola matapos silang mag-skydive ni Luis Manzano sa New Zealand.

“Our faces after skydiving at 15,000 feet!!! thank you so much@nzoneskydive for that wonderful experience! It was amaaaaazing! And of course, thank you my love for encouraging me to do it! I had so much fun,” caption pa niya sa karanasan nila sa itaas ng boyfriend.

Si Luis ang Man of Honor ng kasalang Erwan Heussaff and Anne Curtis sa NZ nung isang araw.

Angel Locsin at Neil Arce

Angel paborito ang ginawa nila ni Neil sa NZ

Nilalanggam din naman ang mga post ni Angel Locsin sa kanila ng sinasabing boyfriend niya na si Neil Arce.

Sabi niya sa isang photo nila na parang kakagatin niya ang leeg ng karelasyon ay “Anyday spent with you is my favorite day @neil_arce.”

Nauna nang sinupalpal ni Angel ang isang basher na nagsabing stop the hate against Jessy. Eh ang user name ng basher ay Anne.

“Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si anne para sa agenda mo.

“Move on na tayo girl :),” sabi ni Angel.

Pare-pareho mang nasa NZ sina Luis at Angel na may Jessy at Neil na, wala namang nakitang photo na magkakasama sila sa isang frame.

President Rody Duterte at John Lloyd Cruz

Baste naalala, John Lloyd at Ellen natiyempuhan ang pangulo!

Kabilang ang magkarelasyong sina  John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa mga nakiramay sa pamilya ni Guadalupe Romulo, anak ni Development Bank of the Philippines (DBP) Chairman of the board and former Sec. Bert and Lovely Romulo na sumakabilang buhay kamakailan.

Si Ms. Guadalupe ay kapatid nina Ms. Mons, Ms. Berna and former Cong. Roman Romulo na husband ni Shalani Soledad.

Malapit na kaibigan ng isa pa nilang kapatid na si Erwin sina John Lloyd at Ellen.

Galing sa matagal na bakasyon sa Europe ang sinasabing magkarelasyon.

Sa nasabing wake rin nagkaroon ng chance si John Lloyd na makamayaman si President Rody Duterte.

Pero teka kinamayan din kaya ng presidente si Ellen na hindi pa natatagalan nang ibuko niya sa isa niyang presscon na kaya hindi umuuwi ang anak niyang si Baste ay dahil lagi itong kasama ni Ellen?

Ang amin pong pakikiramay sa pamilya Romulo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with