Heart Evangelista

Heart at nanay ni Daniel tsika-tsika pa rin!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2017 - 4:00pm

Positive vibes ang dala ng video na kuha sa Star Magic Ball nang magkita ang mag-ex na sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga.

Bago sila magkita ni Heart, naunang nakita ni Daniel si Sen. Chiz Escudero na lumapit at nakipagkamay. Majority sa comments ay positive at sana raw, lahat ng ex-couple ay nagiging magkaibigan.

Sa kanyang Instagram (IG) account na picture kuha sa Star Magic Ball, nag-comment ang mother ni Daniel ng “Linda” na ang ibig sabihin ay pretty si Heart. Sumagot si Heart ng “@gegematsunaga ayeeee saudades tia beijosssskkk” na “Miss you” raw ang ibig sabihin ayon sa Google.

Sa same picture na ipinost ni Heart, nag-comment din si Sharon Cuneta ng “You have become just more beautiful over the years, Hearty. My gulay!” Sinagot siya ni Heart ng “I love you mama. missing you so much.”

Coco ayaw palitan ang Panday

Nalaman namin kay Noel Ferrer na sa November 17 na ang announcement ng complete line up ng eight full length film entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF). This Monday, October 2 ang deadline for the early bird at Oct. 30 ang regular submission.

So, hintayin natin ang announcement kung sino ang nag-submit ngayong Lunes at ang makakahabol sa Oct. 30. Nauna nang in-announce ang four official entries na tinanggap based sa script submission.

Tinatapos na nina Vic Sotto, Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Derek Ramsay ang kani-kanilang pelikula.

Napansin namin na sa apat na pelikula, ang entry lang ni Coco Martin na Ang Panday ang hindi nagpalit ng title.

Kris idinagdag na sa mga kaibigan sina Sen. Kiko at Sharon

Nadagdagan na ang pina-follow ni Kris Aquino sa Instagram (IG). Last time we checked, may 53 na siyang bagong pina-follow at kasama rito sina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. Kasama rin sa bagong pina-follow ni Kris si Anne Binay na isa sa close friends niya.

Nabasa rin namin ang pangalan ni Victoria Beckham. The rest ay may kinalaman na sa fa­shion at clothing brand na karamihan ay international brands.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with