Joe Taruc maraming makaka-miss
TAKE IT TAKE IT - undefined (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2017 - 4:00pm

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Papa Joe Taruc na pumanaw noong Sabado, September 30.

Respetado at hindi matatawaran ang credibility ni Papa Joe bilang broadcast journalist kaya malaking kawalan sa radio industry ang pagkawala niya.

Si Papa Joe ang nagbigay sa akin ng break sa radyo kaya naging part ako ng DWST at eventually, ng DZRH.

Ewan ko ba, tawang-tawa si Papa Joe sa mga kagagahan ko, kahit hindi nakakatawa.

Malaking karangalan na nakatrabaho ko si Papa Joe na idol ko at palaging pinakikinggan sa radyo noong hindi pa niya ako inaalok na maging reporter ng DWST at DZRH.

Surreal na surreal ang pakiramdam ko dahil hindi ko inisip na darating ang araw na makakatrabaho ko ang isa sa mga iniidolo ko sa broadcast industry.

Sure ako na hindi ako nag-iisa na makaka-miss kay Papa Joe at sa golden voice niya sa radyo. Mami-miss din siya ng mga sikat na personality sa pulitika na naging kaibigan niya at humihingi sa kanya ng mga payo.

Nag-taping na Kris malapit nang mapanood sa Wowowin

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung nag-taping na si Kris Aquino para sa Wowowin, ang game show ni Willie Revillame sa GMA 7.

Nag-post kasi si Donita Nose sa social media ng picture na kasama si Kris kaya may mga nag-conclude na natuloy na ang pag-apir niya sa Wowowin.

Sure naman na mapapanood si Kris sa future episode ng Wowowin dahil ito ang promise sa kanya ni Willie nang magkita sila noon.

Marunong tumupad si Willie sa OPM niya na aapir si Kris sa Wowowin bago sumapit ang Pasko eh malapit na ang Christmas dahil nag-umpisa na kahapon ang buwan ng October.

Bihira nang mapanood si Kris sa TV kaya excited na ang fans niya na mapanood siya sa top-rating game show ni Willie. Knowing Kris, may mga pasabog siya sa kanyang first time ever na paglabas sa Wowowin.

Vic at Pauleen may pangalan na sa panganay

Nagbigay ng hint sina Vic Sotto at Pauleen Luna na letter T ang first letter ng pangalan ng kanilang coming soon baby girl.

Very prominent ang letter T sa baby shower para kay Pauleen na sandali na lang ang ipaghihintay dahil magsisilang na siya sa December 2017.

Magandang magbuntis si Pauleen dahil kahit malaki na ang tiyan niya, maliit pa rin ang shape ng mukha niya.

Mga secondary sponsor sina Bossing at Pauleen nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa December 12. Kapag nanganak si Pauleen bago ang petsa ng AiAi-Gerald Nuptial, ma­labo na makadalo siya.

Magiging anak ni Pokwang sa Amerikanong BF inaabangan ang hitsura

Baby girl din ang ipinagbubuntis ni Pokwang kaya magiging dalawa na ang kanyang mga anak na babae.

Maingat na maingat si Pokwang dahil maselan ang pagbubuntis niya bilang hindi na siya bagets.

American ang dyowa ni Pokwang na si Lee O’Brian. Inaabangan ang panganganak ni Pokwang dahil marami ang curious na ma-sight ang hitsura ng bata.

Always na maganda ang resulta ng kumbinasyon ng mga Pinoy at mga Amerikano kaya pinaniniwalaan na cute na cute ang sanggol na isisilang ni Pokwang na parang nanganganay uli.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with