^

Angel sipag-sipagan sa pagpapapayat!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2017 - 4:00pm

Sayang at hindi na nahintay ng Darna ang tuluyang paggaling ng back injury ni Angel Locsin at ang pagpayag ng kanyang mga doktor na muli siyang sumabak sa maaaksyong eksena kung kaya napunta kay Liza Soberano ang role ng sikat na heroine na nilik­ha ni Mars Ravelo.

Pero walang panghihinayang na nadarama si  Angel na hindi sa kanya napunta ang Darna. Nawala man sa kanya ang role, masusulit naman ng muli niyang paglabas sa La Luna Sangre ang magandang kundisyon ng kanyang katawan. Inamin niya na magkakaroon siya ng mga maaksyong eksena sa La Luna.

“Kaya ko nang gumawa ng mga action scenes. Kailangan lang talaga to stay fit. Dapat maging masipag akong magpapayat,” anang comebacking star sa serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Rita hindi nawawalan ng oras para sa mga bata

Kapuri-puri si Rita Avila dahil kahit patuloy siya sa pag-aartista ay nagagawa pa niyang magsulat ng libro para sa mga bata. Ang unang libro na isinulat niyang The Invisible Wings ay balitang gagawing isang musical. Nakakadalawang libro na ito. Ang ikatlong libro ay inilunsad noong Sabado. 

Kahapon naman sa National Book Store ay may tatlo pang libro siyang inilunsad, ang The Tale of Popi Puti and Mi­mim Makutim, The Tale of Ronron Meron and Lala Wala at The Tale of Bentot Lembot and Ging-Ging Astig.

Matteo hindi na masyadong nag-e-expect kay Sarah 

Kahit naba-bash paminsan-minsan ang kanyang pagkanta, hindi ito dahilan para mawalan ng loob si Matteo Guidicelli na ipagpatuloy ang kanyang singing career. Katunayan, hindi pa gaanong katagalan nang magkaroon siya ng major concert sa Cebu, pero mayroon agad itong kasunod. This time hindi na mahihirapan ang fans na sundan siya dahil dito lamang magaganap ang Hey Matteo sa Kamaynilaan, sa Kia Theater to be exact, 7:30 NG, sa Nobyembre 30. 

Hindi lamang ang mga gustong manonood ang madaling mapupuntahan ang venue, pati ang nob­ya niyang si Sarah Geronino ay makakasaglit sa lugar, kung gugustuhin nito. Wala namang mas­yadong expectation si Matteo pagdating kay Sarah. 

Paolo kaya nang ipagmalaki ang ipinagawang bahay

Mayroon nang maipagmamalaking sarili niyang bahay si Paolo Balleste­ros. May isang taon na itong itinatayo sa Antipolo at may tatlong palapag. Very proud siya sa produkto ng kanyang pagod at paghihirap at sa pangyayaring mabilis niya itong napag-ipunan. Sa rami ng kanyang mga trabaho ngayon, malaki ang pag-asa niya na mas mapaganda at mapaunlad ang kanyang buhay. 

Malaki rin ang pasasalamat niya sa patuloy na paggamit ng Eat Bulaga ng kanyang serbisyo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with