Kobe at Andre ‘di na kayang banggitin ang ina
(Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2017 - 4:00pm

Araw-araw may trabaho, Coco hindi na natutulog!

SEEN: Walang mention sa pangalan ni Jackie Forster sa 30-plus pages article at interbyu ng YES Magazine sa kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras. Ang magkapatid ang cover boys ng September 2017 edition ng YES! Magazine.

SCENE: Pinaghahandaan ni Claudine Barretto ang pagdalo niya sa grand Star Magic Ball na magaganap sa September 30 sa Makati Shangri-La Hotel. May dalawang linggo pa si Claudine para magpapayat.

SEEN: Naghigpit ang Camp Crame sa mga dumadalaw kina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. Immediate family members muna ang puwedeng bumisita sa kanila sa kulungan.

SCENE: Cover girl ng September 2017 edition ng Kapuso Magazine si Marian Rivera, ang bida ng Super Ma’am, ang bagong primetime telefantasya ng Kapuso Network.

SEEN: Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Mulawin vs. Ravena. Ngayon ang announcement ng GMA 7 tungkol sa magiging timeslot ng Super Ma’am na pambata at puwedeng itapat sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

SCENE: Tatlong araw na sunod-sunod ang taping ni Coco Martin para sa Ang Probinsyano dahil nakalaan sa shooting ng Ang Panday ang mga araw na nalalabi. Official entry ni Coco sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Ang Panday.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Edu Manzano ang 62d birthday niya. Mainstay si Edu ng Ang Pagbabalik ni Alyas Robin Hood ng GMA 7.

SCENE: Bukas, September 16, ang mall show ng cast ng My Korean Jagiya sa SM City Naga. Makikisaya sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival sa Naga City sina Heart Evangelista, Edgar Allan Guzman, at Alexander Lee.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with