Bar Boys kinukumpara sa Bagets!
(Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Isa sa mga pelikulang magpapaingay ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na gaganapin mula August 16 hanggang 22 ay ang nakakaaliw na Bar Boys.

Ang pelikula na sinulat at idinirek ni Kip Oebanda ay tungkol sa apat na magkakaibigan (na ga­gam­panan nina Rocco Nacino, Carlo Aquino, Enzo Pineda at Kean Cipriano) na sabay-sabay na pumasok sa law school at doon na nga nagsimula ang kanilang adventure.

Makakasama ng apat sina Anna Luna at Odette Khan na gaganap bilang terror professors.

Naisip daw niyang gawin ang pelikula nang manood siya ng horror film kasama ang kaibigan niyang abugado.

Simula noon ay naging interesado na nga raw siya sa mga lawyer at nagsimula siyang mag-research tungkol sa law school, sa kultura ng mga ito, sa mga estudyante, propesor, at pati na ang friendship.

Ang Bar Boys ay produced by TropicFrills Film Productions in cooperation with Wild Sound Studios. The film received generous support from SM Foundation Inc. Principal photography was done in 2015 with additional shoots in 2016. Distributed ito ng Quantum Films.

“It’s really a love story because friendship is a form of love,” deklarasyon ni Direk Kip. “The cha­racters go through conflicts that push them to make tough decisions. Do they choose friendship or do they sacrifice the friendship in favor of success?”

Ayon kay Direk Erik Matti na isa sa mga myem­bro ng PPP, maikukumpara ang Bar Boys sa iconic Pinoy youth movies. “Bar Boys is a movie that does not get made anymore in this day and age. It is a story that is obviously close to the heart of the filmmaker. Great performances by its leads with nuan­ced detail on the inner workings of making it to law school. Reminds me of Maryo J. delos Reyes and Jake Tordesillas’ Bagets and High School Circa ’65. ‘Bar Boys’ is nostalgic and sentimental.’”

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with