Aaron Carter umaming pumapatol din sa lalaki!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2017 - 4:00pm

Julia obvious na namI-miss na ang showbiz

SEEN: Ngayon ang Christian wedding nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa Tagaytay City. Pinili ni Rochelle ang Tagaytay City dahil ito ang favorite place niya.

SCENE: Kabilang sa mga principal sponsor sa Solinap-Pangilinan Nuptial sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Vic Sotto, Tito Sotto, at Joey de Leon. Dating member ng Sexbomb Dancers at mainstay ng Eat Bulaga si Rochelle.

SEEN: Ngayon ang unang araw ng taping ni Ruru Madrid para sa mga eksena niya sa Alyas Robin Hood 2. Panay ang practice ni Ruru ng Muay Thai dahil magagamit niya ito sa kanyang mga action scene sa sequel ng primetime teleserye ng GMA 7.

SCENE: Overacting si Julia Clarette sa panayam sa kanya ng Kapuso Mo Jessica Soho noong Linggo tungkol sa pagpapakasal niya kay Gareth McGeown. Obvious na miss na miss ni Julia ang showbiz.

SEEN: Handa si Marian Rivera na tulungan si Martin Escudero para makalabas ito sa mga programa ng GMA 7. Mga ex-talent ni Popoy Caritativo sina Marian at Martin.

SCENE: Ang pagsawsaw ni Rosanna Roces sa controversial issue ng estranged couple na si COMELEC Commissioner Andres Bautista at ng misis nito na si Patricia. Idinadamay ni Rosanna ang mga blind item ni Arnold Clavio tungkol kay Bautista.

SEEN: Ang public confession ng American singer na si Aaron Carter na bisexual siya. Kinaiinggitan si Aaron ng bisexual Filipino celebrities dahil nagkaroon siya ng tapang na amin ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya.

SCENE: Masipag sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa pagpo-promote ng finale week ng My Love From the Star sa mga mall at television show, kahit matatapos na sa Biyernes ang primetime show nila sa GMA 7.

SEEN: Absent ang comedienne na si Boobsie Wonderland sa second anniversary celebration ng Sunday PinaSaya noong Linggo dahil mas pinahalagahan niya ang imbitasyon na mag-show siya sa Brunei.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with