Kahit nailuwal na, Kylie at Aljur ‘di pa alam ang ipapangalan sa anaK
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2017 - 4:00pm

Planong kasal nina Luis at Jessy hindi pa alam ni Ate Vi

PIK: Wala namang ibang sasabihin si­yem­pre si Cong. Vilma San­tos kundi suportahan niya sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kung gusto na nilang magpakasal.

Hindi pa naman daw siya kinakausap, pero nakakasama raw nila si Jessy tuwing nagkakasama-sama silang pamilya ng Linggo.

“Nasa kanila na lang yun dahil pareho na silang mature, lalo na si Lucky.

“Hindi naman ako ang magdesis­yon dyan, basta ang alam ko they’re very happy.

“Nagsasama-sama kami dito minsan, every other Sundays, they come here, we talked. Pero ‘yung sinasabi na talagang pinag-uusapan na ‘yung kasal, hindi pa naman sila lumalapit. I don’t know. Maybe soon, I don’t know. Sila naman ang magsasabi nun. I’m 100 percent sure sasabihin nila pag handa na sila.

“Nandito lang ako to guide.

“Pero I know my son, very responsible naman ‘yan,” pahayag ni Cong. Vi.

PAK: Sino kayang beauty queen ang tumangging makasama sa isang guesting ang hall of famer sa Ms. Q & A ng It’s Showtime na si Juliana Parizcova?

Inimbita raw itong si beauty queen na mag-guest. Pero nang nalaman niyang ipa-partner siya kay Juliana para sa game na gagawin nila, tumanggi raw ito. Sabi raw ni beauty queen, hindi raw niya ito ka-level at bawal daw sa religion niya.

Naloka ang mga staff dahil super bait naman daw itong si beauty queen at nagamit pa nga ang relihiyon. Pero pagtatanggol naman ng ibang staff, may karapatan naman daw tumanggi si beauty queen dahil sa bonggang achievement nito.

BOOM: Nanganak na nga si Kylie Padilla kamakalawa nang gabi, eksaktong 10:31 pm daw.

Iyun ang ipinost ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram account na “Alas Diez Treinta Y Uno” at nasa caption nito pinuri niya si Kylie.

Sabi ng bagong Kapamilya actor; “I’m so proud of you…I love you #StrongWomanKyniPad”

Ilang impormasyon pang nakuha namin; eksaktong 41 weeks daw nasa sinapupunan ni Kylie ang kanilang baby boy at normal niya itong iniluwal.

May timbang na 7.507 pounds at may haba na 19.291 inches ang baby. Hindi pa raw nila nadesis­yunan kung ano ang ipapangalan nila sa baby.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with