Vilma mabilis ang pag-ayaw sa Darna, Empoy hindi na maabot

Vilma Santos

Vilma mabilis ang pag-ayaw sa Darna, Empoy hindi na maabot

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2017 - 4:00pm

PIK: Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang posibleng pagtakbo ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa mas mataas na posisyon sa 2019 elections.

Kamakailan lang ay nagtapos siya ng crash course sa Lee Kuan Yew School of Public Policy sa Singapore, kaya may nagsasabing sa Senado na ang susunod niyang tatakbuhan o kaya ay bilang Governor ng Cavite.

Sabi naman ng kanyang inang si Mayor Lani Mercado-Revilla, “Ang pag-aaral po ni Vice Gov. Jolo sa Lee Kuan Yew sa Singapore ay programa po ng Vice Governor League of the Philippines.

 “Kung saan man ang tatahakin ng landas in the future, that would be all up to him.

“Kung ano ang ididikta ng Panginoon sa kagustuhan kung saan siya dadal­hin yun ang isusunod ni Vice Gov.’

Ngayong araw ay magiging bahagi si Vice Gov. Jolo ng malaking event sa Bacoor kung saan iri-reenact nila ang Bacoor Assembly na naganap noong 1898.

PAK: Hindi pa man nagsisimula ang shooting ng Darna, ang dami nang kuwentong kumakalat kung paano nila pagagandahin at iibahin kumpara sa mga nakaraang Darna.

Ang isang narinig namin, iimbitahan daw nila ang mga nag-portray na Darna bilang guest para sa mahahalagang role na gagampanan sa pelikula.

Pero imposible itong mangyari dahil ang iba raw ay nasa kabilang istas­yon kagaya ni Ma­rian Rivera.

Pero natanong namin si Cong. Vilma Santos kung okay lang sa kanyang mag-guest sa Darna ni Liza Soberano?

“Hindi na muna,” mabilis na sagot ni Cong. Vi.

“Hindi naman siguro mangyayari ‘yun. Basta let’s just hope..magaling naman ang direktor niyang si Erik Matti. I’m sure its going to be a good film.

“Saka siguro ang approach niyan, teknolohiya na ‘yan, millennials na ang ita-target niyan,” dagdag na pahayag ni Cong. Vi.

I wish na lang daw natin ng good luck si Liza dahil deserving naman itong mag-Darna lalo na’t napakagandang bata raw nito.

BOOM: Bagong Rene Requiestas na ang tawag kay Empoy Marquez na gumanda ang career pagkatapos ng box-office success ng Kita Kita nila ni Alessandra de Rossi.

As of presstime, umabot na raw ng P204-M ang kinita ng Kita Kita sa loob ng dalawang linggong showing nito sa mga sinehan.

Natapat ang Finally Found Someone nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na sa loob ng limang araw na showing ay mahigit P130-M na ang kinita.

Hindi nga natinag ang Kita Kita at na­dag­dagan pa ito ng sinehan.

Kaya kung napasikat ng Hene­ral Luna si John Arcilla, si Empoy naman ngayon sa Kita Kita.

Nakakaaliw pa ang style nito nga­yon kung saan nagna­nakaw siya ng halik.

Nag-trending sa social media ang pagnakaw niya ng halik kay Angelica Pa­nga­­niban at bentang-benta rin ang pagnakaw niya ng halik kay Vice Ganda nang mag-guest sila ni Alex sa Gandang Gabi Vice.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with