^

PSN Showbiz

Paulo ‘di sinipot ang 7th birthday ng anak!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kitang-kita ang all-out na suporta ni Paolo Contis kay LJ Reyes sa pag-asikaso nito sa 7th birthday party ni Aki.

Ginanap ang birthday party sa Blue Leaf Cosmopolitan kamakalawa ng hapon, at sabi nga ni LJ talagang pinaghandaan niya ang party ng anak dahil 7th birthday naman at memorable daw ito sa bagets.

Pero wala roon ang amang si Paulo Avelino na nahalata naming may problema talaga sila ni LJ.

Ayaw kaming sagutin ni LJ kapag tungkol kay Paulo ang tanong. Ngayong araw kasi talaga ang birthday ni Aki kaya tinanong namin kung hihiramin ba ni Paulo ang anak niya para mag-celebrate sila. Pero bigo pa rin ka­ming makakuha ng sagot.

Nakikita ang closeness nina Aki at Paolo, at mukhang nakikita naman ng bagets ang father figure sa aktor.

PAK: Aware raw si Jak Roberto sa lumalabas na litrato niya noon at ikinukumpara sa ngayon na parang may ipinaretoke.

Sabi ni Jak, kahit siya ay nagugulat din sa mga dati niyang kuha dahil ibang-iba raw talaga ang hitsura niya noon.

“Kasi dati po mataba ako. Tapos maitim.

“Nagpa-braces ako ng ngipin ko kasi talagang sungki-sungki.

“Tapos noong napapanood ako dati sa Walang Tulugan, kailangan pumusyaw daw ang kulay ko. Bili ako ng pang-scrub itinray ko sa bahay para pumuti,” kuwento ni Jak.

Aminado siyang marami talagang nabago sa kanya, pero base sa mga sagot niya, mukhang wala siyang inaming may mga ipinaretoke. Naisip nga raw niyang magpaayos ng ilong dahil nalalakihan siya at medyo bilog daw ito.

“Actually gusto ko nga po eh. Malaki kasi ang ilong ko saka bilog.

“Iyun kasi ang gusto kong ipagawa, siguro later on. Okay naman po sa akin eh,” pakli ni Jak.

Wala naman daw isyu sa kanya kung merong naretoke sa mukha niya.

BOOM: Sa Sunday PinaSaya na lang daw ang bonding nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia dahil wala na silang ibang programang pagsasamahan.

Nakatakda pang umalis si Gabbi pa-France dahil magpi-pictorial siya sa Nice para sa MEGA magazine.

Kaya wala silang ginawa sa Sunday PinaSaya studio kahapon kundi magkulitan at mag-asaran.

Aminado naman si Ruru na sobrang kumpor­table siya kay Gabbi, kaya hindi raw niya maisip kung meron pang ibang ipa-partner sa kanya kung sakaling wala ng programang ibibigay ang GMA 7 para sa GabRu loveteam.

Mabuti’t may Sunday PinaSaya na nagsi-celebrate na ng 2nd anniversary.

Nakatsikahan namin ang dalawa sa studio ng Sunday Pinasaya kahapon at nabiro si Gabbi kay Khalil Ramos na mukhang type raw ang Kapuso young actress.

Medyo na-distract si Ruru nang narinig niya iyon. Na-curious siyang alamin kung sino si Khalil.

Tinukso naman ni Gabbi si Ruru sa Asia’s Next Top Model Maureen Wroblewitz.

Tinanong namin si Ruru kung sino ang mas maganda kina Gabbi at Maureen.

“Grabe namang tanong yan. Parang pinagkumpara n’yo naman ang mangga at santol!” mabilis niyang sagot.

Ayaw naman niyang sabihin kung sino ang mang­ga at ang santol kina Maureen at Gabbi. Alam na raw ni Gabbi ‘yun!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with