Illustration by KAT ELORIAGA

Alessandra at Empoy kitang-kita ang pelikula!
(Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2017 - 4:00pm

Magandang 33rd birthday gift kay Alessandra de Rossi ang pagi­ging box-office hit ng pelikula nila ni Empoy Marquez na Kita Kita. Three days after ng opening ng movie noong July 19, nagdagdag ng 50 cinemas ang pelikula, nationwide showing na ito at marami ang nagre-request na ipalabas sa lugar nila ang pinag-uusapang pelikula ni direc Sigrid Andrea Bernardo.

Nagbiro nga si Alex na konti na lang, nasa SM Tokyo na ang Kita Kita  at kung napanood n’yo na ang pelikula, kinunan ito sa Sapporo, Japan.

Kaugnay nito, nag-post si Piolo Pascual ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa pelikula na isa siya sa producers kasama sina director Joyce Bernal, Lucky Blanco at Erickson Raymundo at co-produ­cer din ang Viva Films.

Post ni Piolo: “Praise God...on behalf of spring films, viva films, our marketing/promo @cornerstoneofficial, our cast/director, everyone involved in making this project a reality...thank you very much for ins­piring us not to give up on our dreams...we’re humbled by the circumstance yet thrilled to be on the same page as everyone that’s seen the film...we still adding more theatres to caters to more areas...witness the beautiful love story of Tonyo and Lea.”

Brillante may konek na sa Oscars

Isa na namang magandang episode ng Brillante Mendoza Presents  ang mapapanood sa July 29, sa TV5 titled Kadaugan. Kinunan sa Cebu ang episode at majority sa cast ay Cebuano. May konek sa Kadaugan Festival ang kuwento na tungkol sa laban nina Ferdinand Magellan at Lapu Lapu at sa love story ng isang Cebuana at foreigner.

May subtitle ng Tagalog ang episode, kaya hindi mahihirapang intindihin ng non-Visayan viewers.

Member nga pala si director Brillante at director Lav Diaz sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences na nasa likod ng Oscars.

As for his next movie, “Soon” ang sagot ni direk Brillante, sorpresa na lang daw, basta malapit na, kaya maghintay na lang tayo.

Raymart naudlot ang pagiging Kapamilya

Hindi na pala matutuloy ang paglipat ni Raymart Santiago sa ABS-CBN. Ito ay kung tama ang nabasa namin na kasama si Raymart sa cast ng My Korean Jagiya. Nakuwento ni Ricky Davao sa ilang press people na si Raymart ang pag-aagawan nila ni Janice de Belen sa My Korean Jagiya.

Ang nakakatuwa rito, magkapatid sina Janice at Ricky na beki ang karakter at pamangkin nila si Heart Evangelista sa eereng serye ng GMA. Kung totoo ito, hindi muna puwedeng lumipat ng network ang actor.  Nabalita kasing lilipat si Raymart at may teleserye ng paglalagyan sa kanya.

Anyway, marami na ang excited sa My Korean Jagiya lalo’t nagpapasilip si director Mark Reyes ng location nila na ginamit sa ilang successful Korean dramas na napanood sa ABS-CBN at GMA-7.

MR, MLFTS, makiki-fiesta  sa Batangas

Magkakasama ang ilang cast ng Mulawin vs. Ravena at My Love From The Star  sa Sublian Fiesta this Sunday, 7:00 pm., at makikita sila sa SM City Batangas, Batangas.

Mula sa cast ng Mulawin vs. Ravena sina Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kiko Estrada at Bea Binene. Present naman sina Jackie Rice, Migo Adecer at Gil Cuerva sa cast ng My Love From The Star.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with