Ate Vi abala sa pag-aaral
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2017 - 4:00pm

Sa ngayon ay abala si Vilma Santos-Recto bilang kongresista sa lalawigan ng Lipa, Batangas. Maraming mga batas daw ang inaaral ng actress-politician kaya hindi pa muling makagawa ng proyekto sa showbiz. 

“Wala muna kasi I’m trying to learn muna ‘yung mga dapat gawin as a legislator because hindi ito joke. Nagle-legislate ka na ng mga batas at ayaw ko naman maging clueless. So binibigyan ko talaga ng time ito para mag-aral,” paliwanag ni Vilma. 

Gayunpaman, nananabik na rin ang aktres na muling umarte sa harap ng kamera at umaasang makagagawa ng isang bagong pelikula. “I don’t know when pero excited din ako to have another movie sa film fest,” giit niya. 

Kamakailan ay nabanggit ni Judy Ann Santos na nangangarap itong makasama sa isang malaking pelikula ang Star for All Seasons. “Ako rin, I’m looking forward. Hindi pa kami nagkakatrabaho ni Judy Ann and since bihira na akong gumawa ng pelikula, ang gusto ko ‘yung once in two years. Gusto ko I can offer something different and with Judy Ann, it is going to be different,” giit ni Ate Vi.   

John gulat na gulat sa pagkawala ni Jessy sa BS!

Ikinagulat ni John Prats ang pagkawala ni Jessy Mendiola sa kanilang show na ?Banana Sundae. Wala naman daw naging problema sa pagitan ng cast members ng nasabing gag show. 

“Nagulat na lang kami. Sa amin sa cast, wala kaming problema kay Jessy. I mean, we’re okay, nakikita n’yo naman ‘pag nagti-taping kami, ‘yon ang beauty and ugliness ng show namin eh. Makikita mo ‘pag hindi swak ‘yung artista kasi hindi kami umaarte. At pag-swak ‘yung artista, nakikita mong okay kami. So wala kaming problema, as in kapag nasa show kami masaya lang kami. Never ko siyang nakita na bothered pero other than that, okay naman siya,” kuwento ni John. 

Hindi rin alam ng aktor ang tungkol sa wardrobe issue na sinasabing naging dahilan diumano ng pagkawala ni Jessy sa show. Hindi nakitaan ni John ang aktres na nagkaproblema sa mga isinusuot nito. “No’ng narinig ko lang ‘yang isyu na ‘yan, parang hindi ako makapagsalita kasi hindi ko siya alam. Parang wala naman akong narinig na gano’n, nag-o-opening naman siya. Ginagawa niya naman ‘yung work niya. Parang wala naman akong na-feel na meron siyang problema. Nagulat lang kami na nagpaalam siya sa Viber group namin. Nagpaalam naman siya,” pagtatapos ng aktor.  

 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with