Angel hindi pa kayang makita si Luis?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2017 - 4:00pm

Kabilang sa nag-congratulate kay Angel Locsin sa pana­nalong Best Supporting Actress sa The Eddys: Entertainment Editors Awards via Instagram (IG) sina Neil Arce at Jennylyn Mercado.

Given na ang pagku-congratulate ni Neil dahil siya ang rumored boyfriend ni Angel pero may mga nagulat sa congratulatory message ni Jennylyn. Hindi nila alam na matagal nang friends ang dalawang aktres at kung nagkaroon man ng slight conflict ay dahil sa pareho nilang ex-BF si Luis Manzano. Ngayon, friends na uli ang dalawa.

Hindi nakadalo si Angel sa awards night dahil sabi nito, “Pasensya na po hindi ako nakadalo at may family matter lang pong kailangan ayusin...I want to thank those who are responsible for this recognition.”

Pero may naniniwalang kasama sa rason ni Angel sa hindi pagdalo sa awards night ay para hindi sila matukso ni Luis na host kasama ang amang si Edu Manzano. Tiyak na nagkantyawan kung dumating si Angel.

Mother Lily masayang napiling Producer of the Year!

Ang ganda-ganda ng ngiti ni Mother Lily Monteverde sa nakita naming pictures niya nang tanggapin ang Producer of the Year Award sa 1st Eddys na ginanap last Sunday sa KIA Theater.

Sa kanyang speech, hindi ang kanyang sarili ang paulit-ulit na binanggit ni Mother Lily, kundi ang Regal Films na Regal Entertainment na ngayon. Binanggit din nito na sa more than four decades ng film company, malaking bahagi sa success nito ang showbiz media.

Mahal ni Mother Lily ang entertainment press at mahal din siya ng mga ito dahil mula noon hanggang ngayon, in-acknowledge ang presence sa showbiz ng mga reporter.

Part ng kanyang speech ang sinabing, “I am so touched by this award I want to share it with all of you. This is yours as much as it is mine. I am beyond grateful to you, my dear entertainment editors. I give back the honor to you for consistently supporting not just Regal Films but Philippine cinema as a whole.”

May statement din si Roselle Monteverde: “On behalf of my mom, @mo­therlilym, I would like to thank SPEED for the honor given to my mom-The Producer of the Year award at the Eddy Awards.”

Anyway, umabot na sa 3-M ang viewers ng teaser ng new Regal Films movie na Woke Up Like This nina Vhong Navarro at Lovi Poe at malapit na ang showing.

Odette biglang naging in demand

In all fairness, hindi lang ang main cast ng Ika-6 Na Utos na sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, Mike Tan, at Sunshine Dizon ang mas nakilala dahil sa number one daytime program. Pati ang supporting cast at kontrabida, kilala na ng viewers at pati nga ang gumaganap na driver, yaya, at mga kasambahay, ay kilala na rin.

Isa rito si Odette Khan na gumaganap na Yaya Loleng..

Anyway, dahil sa role sa Ika-6 Na Utos, nadadalas ang guesting ni Odette sa shows ng GMA 7. Kahapon lang, guest siya sa Jak en Poy segment ng Eat Bulaga.

Ruru at Gabbi loveteam pahinga na

Natutuwa ang supporters ni Ruru Madrid na hindi si Gabbi Garcia ang kasama niya sa cast ng Alyas Robin Hood 2. Mas maganda nga naman kung itinatambal sila ni Gabby sa ibang artista para hindi nai-stuck sa love team.

Next year, mas malaki pa raw ang plano ng GMA 7 kay Ruru in terms of projects. May napipisil na rin ang network na ipapareha kay Gabbi.

Sina Ruru at Gabbi pala ang na-blind item na­ming magka-love team na paghihiwalayin pansamantala. May fandom na umangkin sa BI namin at akala’y ang favorite love team nila ang tinutukoy namin, ayun, na-bash kami!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with