Juday laging special request si Ate Vi
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 7, 2017 - 4:00pm

Bulung-bulu­ngan ngayon ang posibleng pagsasama raw nina Judy Ann Santos at Vilma Santos sa isang pelikula. Ngayon lamang din narinig ni Juday ang tungkol dito at umaasa ang aktres na matutuloy ito.

“Wow! Hindi ko pa alam, promise. Talaga ba? Sana talaga matuloy. Sa totoo lang, hindi pa kami nakakapag-usap ni Ate Vi. Kasi wala pang chance na magkaroon talaga kami ng moment na makapag-usap,” bungad ni Judy Ann.

Mahigit tatlong dekada na ang aktres sa industriya at kahit kailan ay hindi pa sila nagkasama ng Star for All Seasons sa isang proyekto. Noon pa raw pinapa­ngarap ng Young Superstar na makatrabaho si Ate Vi. “Matagal ko nang nilalambing sa Star Cinema, ang dami lang talagang ganap. Kaya please, please sana matuloy. Lagi ko talaga request kay MNS (Malou N. Santos) na sana magkaroon ako ng movie with Ate Vi. Siya na lang kasi talaga ‘yung hindi ko pa nakakasama. Parang kulang eh, kulang ang pagiging artista mo kapag hindi mo siya nakatrabaho. Lahat yata ng artista gusto talaga siyang makasama at isa ako doon,” pagbabahagi ni Juday.

Sa ngayon ay naghihintay na lamang daw ang aktres ng isang magandang materyal mula sa Star Cinema. “Ako, kung ano ang i-offer ng Star Cinema sa akin ngayon. Basta ready ako at maganda ang proyekto, bakit hindi? Basta feeling nila kaya kong itawid, gagawin ko. I trust Star Cinema with so many things. Naghihintay lang naman ako ng isang magandang istorya,” pagtatapos ng aktres.

Sa ngayon ay regular na napapanood si Judy Ann bilang host ng Bet On Your Baby tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya network.

Anne walang problema kahit makasama ang ex na si Richard

Certified Kapamilya star na si Richard Gutierrez dahil pumirma na ng kontrata ang aktor sa ABS-CBN kamakailan. Kabilang si Richard sa mga bida ng teleseryeng La Luna Sangre kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Angel Locsin, at John Lloyd Cruz.

Bukod sa nasabing serye na mapapanood na simula June 19 ay isang pelikula rin ang nakatakdang gawin ni Richard sa Star Cinema. Makakasama ng aktor sa Wife, Husband, Wife sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Ngayong nasa bakuran na rin ng ABS-CBN si Richard ay posibleng mag-krus ang landas ng aktor at dating kasintahan na si Anne Curtis. Ayon sa aktres ay wala naman daw problema kung sakaling magkita silang muli ni Richard ngayon. “Welcome Chard, welcome to ABS-CBN. Why not? Sana sila ni Mond (Raymond Gutierrez). Sayang nga eh, sakto sa segment ng It’s Showtime na Twin It To Win It so sayang,” nakangiting pahayag ni Anne.

“Wouldn’t it be cute to see both Richard and Raymond sa Showtime, ‘di ba?” dagdag pa ng aktres.

Matatandaang naging magkasintahan sina Richard at Anne noong 2004. Tumagal lamang ng isang taon ang naging relasyon ng dalawa noon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with