Biado, Chua dadalhin ang laban ng Pinas sa World Cup of Pool
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Kakatawanin nina Carlo Biado at Johann Chua ang Pilipinas sa 2017 World Cup of Pool na magsisimula sa Hunyo 13 sa York Hall sa London, England.

Nakapasan sa balikat nina Biado at Chua ang tangkang maibalik sa bansa ang korona ng naturang torneo na lalahukan ng 30 bansa kabilang na ang China, Chinese-Taipei, Amerika, Germany, Netherlands at England.

Sasabak ang mga Asian teams na sina Wu Jiaqing at Dang Jinhu ng China, Ko Pin Yi at Chang Yu Lung ng Chinese Taipei, Andrew Kong at Lo Ho Sum ng Hong Kong, Raj Hundal at Amar Kang ng India, Irsal Afrinneza Nasution at Muhammad Bewi Simajuntak ng Indonesia, Naoyuki Oi at Hijikata Hayato ng Japan, Kok Jken Yung at Muhammad Almie ng Malaysia, Toh Lian Han at Aloysius Yapp ng Singapore at sina Amnuayporn Chotipong at Tanut Makkamontree ng Thailand.

Pasok rin ang European squads na sina Mario He at Albin Ouschan (Austria), Mark Gray at Darren Appleton (England-A), Imran Majid at Daryl Peach (England-B), Mika Immonen at Petri Makkonen (Finland), Ralf Souquet at Thorsten Hohmann (Germany), Nikos Ekonomopoulos at Alex Kazakis (Greece), Niels Feijen at Nick van den Berg (Netherlands), Matts B Schjetne at Tom Bjerke (Norway), Mateusz Sniegocki at Wojiech Szewczyk (Poland), Joao Grilo at Rui Edgar Francis (Portugal), Rus­lan Chinakhov at Konstantin Stepanov (Russia), Da­vid Alcaide at Francisco Sanchez Ruiz (Spain) at sina Marcus Chamat at Daniel Tangudd (Sweden).

Ang iba pang kalahok ay sina Australian Justin Campbell at Michael Caccioli, Canadians Alex Pagulayan at John Morra, Kuwaitis Bader Al Alawi at Mohammad Saleh Al Kashawi, New Zealand bets Matt Edwards at Toar Dotulong, South Africans David Anderson at Francois Ellis, at Americans Shane Van Boening at Skyler Woodward.

Tumataginting na $250,000 premyo ang paglalaba­nan sa torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association kung saan ang magkakampeon ay tatanggap ng $60,000 top purse.

Target nina Biado at Chua na makuha ang ikaapat na titulo ng Pilipinas sa event.

Huling nagkampeon sa World Cup of Pool sina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza noong 2013.

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with