Sandara Park
Sandara binura sa alaala si Joseph?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica M. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

Nakapagtatakang sinabi ng Korean artist na si Sandara Park na hindi pa siya nagkaka-boyfriend ng isang Pilipino, eh ano ‘yung naging relasyon nila ni Joseph Bitangcol?

Nakabalik na si Sandara from Korea kung saan ay nakabilang siya sa isang sikat na K-Pop group na 2NE1. Disbanded na ang grupo at kanya-kanya na silang takbo ng career. Kung ang ibang nakasama niya sa 2NE1 ay gumawa na ng kanya-kanya nilang recording, pelikula naman ang sinabakan ni Sandara at naririto siya sa bansa para i-promote ang movie niyang One Step.

Single pa rin siya at walang karelasyon sa kasalukuyan.

Sharon iniisnab ng mga bagets sa THE Voice Teens

Nakaka-depress kaya kay Megastar Sharon Cuneta ang pangyayaring madalas siyang hindi mapili ng mga contestant ng The Voice Teens bilang mentor? Siyempre para sa isang mala­king artista na katulad niya ay nakaka-lungkot nga naman ang pangyayaring ito. Ang mga kasamahan niyang mentor ay mabilis nang makakuha ng mga masasanay pero siya ay madalas hindi napipili. Nakakahiya nga naman ito. Palagi pa namang siya ang unang-unang umiikot sa mga contestant sa kanilang apat na mentor.

Kaya ba siya masyadong na-depress at nag­silbing isa sa mga dahilan kung bakit umalis siya nang nag-iisa kahit sabihin pang magko-concert siya sa Amerika? Idagdag mo sa pagtanggi ng maraming kabataang sumasali sa The Voice Teens na kunin siyang mentor ang ginawang pag-atras ni Gabby Concepcion sa kanilang reunion movie.

Louise gustong magamit sa trabaho ang pagiging shooter

Napakaaga naman para pagsawaan ni Louise delos Reyes ang paggawa ng drama kaya gusto niyang gumawa ng mga proyekto na kakaiba sa mga ipinagawa sa kanya sa GMA. Ngayong nasa pangangalaga na siya ng Viva ay uma­asam siya na makakagawa ng aksyon at comedy na never niyang natikman sa Kapuso Network.

Mas confident siya sa aksyon dahil magaling siya sa target shooting at isa siyang professional diver.

AiAi hindi tsamba ang Best Actress awards

Kung noong una siyang manalo bilang Best Actress para sa pelikulang Area sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio sa Queens World Film Festival ay maaari pang sabihin na kung hindi swerte ay tsamba ang kanyang panalo. Pero sa ika­lawang pagsabak ng pelikula sa 3rd ASEAN Internatio­nal Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Ku­ching, Sarawak, Malaysia, muling nasungkit ni AiAi ang Best Actress Award. Tinalo ni AiAi sa nasabing kategorya ang ilang magagaling na aktres ng Indonesia, Vietnam, at Laos.

Aba, hindi na lang tsamba ang pananalo niya ng Best Actress award.

Pia at Vice hindi pa sure sa MMFF

‘Di pa pala sigurado ‘yung Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Pia Wurtzbach at Vice Ganda. Ayon sa manager ng ex-Miss Universe tsika-tsikahan lamang daw ang ginawa nila kaya walang pinal na pag-uusap silang narating, pero sinabi na agad ito ni Vice sa isang pakikipag-harap niya sa media.

Sa kanyang excitement ay nakalimutan niya na banggitin kung matutuloy ito ay makakasama nila ng beauty queen si Daniel Padilla. Ganda ng cast ‘di ba?

SANDARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with