Tiyan ni Pauleen biglang lobo!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

Biglang lumaki ang tiyan ni Pauleen Luna mula nang aminin nila ni Vic Sotto na buntis na siya.

Ganoon naman yata talaga ang mga babae na nagdadalangtao, once na inamin nila sa publiko ang  kalagayan, biglang nagiging obvious na may sanggol sa kanilang sinapupunan.

Blooming na blooming si Pauleen kaya may mga hula na babae ang magiging panganay na anak nila ni Bossing. Kung nanood kayo ng Eat Bulaga kahapon, siguradong napansin ninyo na nagmumura ang beauty ni Mrs. Sotto at parang hindi siya nahihirapan sa paglilihi.

Lani biktima ng pagpanaw daw ni Imelda Marcos!

Nag-sorry na si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa kanyang tweet kahapon na pumanaw na si former First Lady at House Representative Imelda Romualdez Marcos.

Binura agad ni Lani ang tweet ng kanyang pakikiramay at naunawaan ng publiko na tao lamang siya na nagkakamali.

“I would like to apologize for my tweets which I have erased. I received news break message informing the public about Mrs. Marcos,” ang apology ng aking alaga dahil sa kanyang tweet na “Our condolences to the Marcos Family. It was a pleasure and a privilege to work with Cong. Imelda Romualdez Marcos.”

Parang tunay na ina ang trato ni Lani kay Mrs. Marcos dahil nagkasama sila sa kongreso noong ang aktres pa ang house representative ng lone district ng Bacoor.

Nilinaw naman ng Marcos family na walang katotohanan ang kumalat na balita. Hindi nag-iisa si Lani dahil marami ang nabiktima ng balita tungkol kay Mrs. Marcos.

Paolo at karelasyon pareho rin ang tattoo

Pamilyar ang mhin na kasama ni Paolo Ballesteros sa picture na inilabas nito.

Pamilyar dahil parang siya si Roland Ochoa Anog, ang natsitsismis na special friend niya.

Hindi sana makikilala ng madlang-bayan si Roland pero naka-tag siya sa picture ng mga kamay na may identical rings na naka-post sa social media account ni Paolo.

Hindi lamang ang mga singsing ang identical dahil napansin din ng mga matatalas na mata ang magkapareho na tattoo nina Paolo at Roland.

Kung anuman ang namamagitan ngayon kina Paolo at Roland, sila lamang ang tunay na nakakaalam. Hindi na dapat intrigahin ang kanilang special friendship dahil karapatan ni Paolo na maging maligaya at kung si Roland ang nakapagpapasaya sa kanya, wala nang pakialam ang mga tsismoso at tsismosa. Maging happy na lang sila para sa hardworking na aktor.

Controversial personality, bipolar!

Bipolar ang isang kontrobersyal na personality at alam na alam ito ng mga kasamahan niya sa trabaho.

Lovable at feisty ang controversial personality kaya tanggap ng co-employees niya na marami ang nagmamahal at nagtatanggol sa kanya.

Pero kung malalaman daw nila ang kakaibang ugali ng controversial personality, tiyak na magkakaroon sila ng second thoughts sa pagtatanggol sa kanya sa mga isyu na kinasasangkutan niya.

PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with