Vice Ganda
Vice napilit ni Daniel na makisosyo sa bar nila ni James
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

Bukod sa pagiging aktor ay magsisilbing creative consultant din si Vice Ganda sa bagong pelikulang kanyang gagawin kasama si Pia Wurtzbach. Ayon kay Vice ay wala siyang karagdagang bayad bilang parte ng creatives para sa bagong proyekto.

“Hindi ko pinapabayaran ‘yon eh. Kasi I feel it’s my obligation kasi it’s my movie, na kailangan ‘yung inputs ko nandoon. Kasi everything has to be ‘vicified’ kasi may certain Vice Ganda brand, kasi ‘pag hindi, ‘Ay! Hindi ito Vice Ganda.’ Baka hindi nila magustuhan. Gusto ko rin naman na nire-require nila ako na kailangan hands-on. Ang wordings kailangan sa akin nanggagaling. Nasanay na rin sila na nangingialam ako,” paliwanag ni Vice.

Sinisiguro raw ng komedyante na hindi niya pababayaan ang Miss Universe 2015 sa pelikulang gagawin. “Hindi ko naman pababayaan ‘yang si Pia. We are friends actually, mahal ko ‘yon. I will take good care of her,” giit ni Vice.

Samantala, isang bagong negosyo raw ang bubuksan ng Phenomenal Box Office Star sa susunod na buwan. “Siguro June or July, mag-o-open kami ng bagong bar. Ka-partner ko sina James Yap at Daniel Padilla sa Greenhills, District 8 ang pangalan. Itong District 8 si Daniel ang nagsama sa akin at hindi na ako nakahindi. Sabi niya, ‘Nagtatayo kami ni James Yap ng bar, sama ka ha. Sabi ko, ‘O sige, ano’ng bar ‘yan?’ kinabukasan tumawag siya, ‘Saan ka?’ Sabi ko, ‘Nasa Showtime,’ ‘Ipadala mo na sa akin ‘yung tseke.’ Kausap ko lang kagabi tapos tseke na agad? Gano’n,” nakangiting kwento ni Vice.

Kasosyo rin ang It’s Showtime host sa ilang sikat na bars sa The Fort katulad ng The Palace Pool Club, Valkyrie, at Tipsy Pig.

Jasmine personal choice ng mister ni Toni

Masayang-masaya si Jasmine Curtis-Smith sa pagkakapili sa kanya ni direk Paul Soriano para sa isang bagong pelikula na kukunan pa raw ang karamihan ng mga eksena sa Siargao.

Nakatrabaho na ng aktres si direk Paul sa independent film na Transit noong 2013 at nagpapasalamat si Jasmine sa muling pagtitiwala sa kanya ng asawa ni Toni Gonzaga. “He contacted us. I guess because nag-work na kami before and siguro malakas naman ang tiwala niya sa trabaho ko, kinuha niya ako for the role,” bungad ni Jasmine.

Makakasama rin ng dalaga sa proyekto sina Erich Gonzales at Jericho Rosales. “It’s a film about finding home and gusto naming ipakita sa film na a simple life can bring happiness to anyone. Kailangan mo lang talagang hanapin ‘yung organic and most pure way of living para ma-enjoy mo lahat and ma-achieve mo rin ang dreams mo while falling in love,” pagbabahagi ni Jasmine.

DANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with