Janella nagka-career sa kaartehan
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2017 - 12:00am

Masayang-masaya si Janella Salvador dahil natupad na ang pangarap niyang role sa pelikula. Sirena ang role ng dalaga sa pelikulang My Fairy Tail Love Story.

Bata pa lamang daw ay talagang hilig na ni Janella na magsuot ng mermaid costume. “Mermaid movie siya na kakaiba kasi maarte ‘yung role ko rito. Maarteng mermaid. Dream role ko siya tapos nakuha ko siya, super happy ako,” nakangiting pahayag ni Janella.

“’Yung 5th birthday ko, mermaid ‘yung theme kaya super na-excite ako no’ng sinabi sa akin na mermaid ako sa movie,” kwento ng dalaga.

Kinailangan pa raw na mag-training ni Janella para sa nasabing role. “Nag-swimming lesson ako. Nag-ping saka mermaid lesson talaga. Takot nga ako sa ping eh. Tapos ‘yung mermaid lesson kailangan talagang aralin kasi iba ‘yung movement ng mermaid. Mabigat ‘yung tail pero mas madaling lumangoy ‘pag may tail na, madaling gumalaw,” kwento ni Janella.

Kahit gumanap bilang sirena ay hindi naman daw nagpaseksi ang aktres sa bagong pelikula. “Since hindi naman ako pwedeng mag-topless, meron naman akong something dito (sa dibdib) na nakatakip. Para siyang part of the tail. I’m a wholesome mermaid,” pagdedetalye ni Janella.

Samantala, aminado ang dalaga na malaki talaga ang naitulong ng pagiging maarte niya sa kanyang showbiz career. “Actually ‘yung Be Careful With My Heart, ‘yon naman talaga ‘yung nag-start ng lahat. ‘Yung kaartehan ko do’n, ‘pag bina-bash ako at sinasabing puro kaartehan lang ‘yon or maarte ako, wala talaga akong nararamdaman do’n kasi proud ako na maarte ako. There’s nothing wrong naman with being maarte. ‘Yung sa akin naman kasi sa pananalita lang. I’m trying din naman minsan na mag-straight Tagalog, nagkakamali lang talaga ako,” paliwanag ni Janella.

Jodi nagpapaka-good example

Plano ni Jodi Sta. Maria na ipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo. Matatandaang nakapagsimula na ang aktres ng kanyang Biology course ilang taon na ang nakalilipas. Pangarap daw talaga ni Jodi na makapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay nagbabalak na magpalit na ng kurso.

“It’s something na hindi ko nagawa nang diretso kasi. I graduated high school 2010. And now, I’m pursuing another course and hopefully in two and a half years matapos ko siya,” bungad ni Jodi.

“I really want to put a premium on education. It’s because I have a son and I want to be able to set a good example. I think it’s also because partly I am motivated my being a mother,” dagdag ng aktres.

Labingdalawang taon na ngayon ang nag-iisang anak ni Jodi at Pampi Lacson na si Thirdy. 

Samantala, simula sa May 17 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Dear Other Self na pinagbibidahan nina Jodi, Joseph Marco, at Xian Lim. 

JANELLA SALVADOR
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with