_ngayon
^

Pelikula ni AiAi, maganda ang playdate!

(Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ang pamamayagpag ni AiAi delas Alas bilang panguna­hing Reyna ng Komedya ng showbiz.

May magic kasing dala ang performance ng Comedy Queen sa mother roles tulad nang ipinamalas niya sa mo­vie franchise na Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Dama ang kurot sa puso at sinseridad sa kanyang emosyon.

Kaya naman sa pinakamalaki at pina­kabago niyang movie na Our Mighty Yaya, tadtad ang mga eksenang hindi lang magpapalutang sa kanya bilang Reyna ng Katatawanan kungdi maging ang pagiging Best Comedy Actress niya.

Sakto sa Mother’s Day ang Our Mighty Yaya na palabas na sa May 10. Ang okasyong ito ang isa sa favorite playdates ng Regal Entertainment.  

Ina, yaya, stepmother man sa sentro ng kuwento, alam ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang pulso ng manonood na magugustuhan nila. Nang mapanood ni Mother Lily ang movie, impressed na impressed siya sa pagkakagawa ng movie at galing ni AiAi.

Humandang humalakhak, sumaya at lumuha sa adventures at misadventures sa muling pagpapamalas ng galing ng Comedy Queen sa Our Mighty Yaya mula sa direksyon ng premyadong si Jose Javier Reyes.

Tampok din sa movie sina Megan Young, Miss World 2013, Zoren Legaspi, Sofia Andres, Lukas Magallano, Alyson McBride at iba pa.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with