Michelle naunahan pang mabuntis si Ehra
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2017 - 12:00am

Ikinasal ang aktres na si Ehra Madrigal sa kanyang husband na si Tom Yeung sa Boracay last March 6 at naroon ang kanyang nakababatang kapatid na isa ring aktres, si Michelle Madrigal kasama ang kanyang American boyfriend, dating football player at track star na si Troy Woolfolk na ipinakilala rin niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas.

Kung kasal na si Ehra, si Michelle naman ay nagdadalang-tao nga­yon sa kanilang magiging first baby ng nobyo at nakatakda siyang magsilang sa darating na November. Pero hindi pa umano pinag-uusapan nina Michelle at Troy ang planong pagpapakasal.

Si Troy ay nakilala ni Michelle sa Amerika habang siya’y nagti-training ng culinary in Ja­nuary 2016.

Sina Ehra at Michelle ay mga anak ng dating sexy star na si Karla Kalua.

Lotlot inimbita ang buong pamilya na dumalaw ng ‘Pinas

Buo na ang pagkatao ng international award-winning actress na si Lotlot de Leon dahil bukod sa kanyang adoptive parents, ang estranged couple na sina Nora Aunor at Christopher de Leon at mga nakababatang adoptive siblings na sina Ian, Matet, at Kenneth de Leon, nakilala na rin ni Lotlot ang kanyang biological father at pamilya nito including her half biological sisters sa Amerika.

Taong 2006 nang i-Google ni Lotlot ang kanyang biological dad, ang dating US serviceman na si Donald Lee Olson na personal niyang dinalaw sa Amerika in 2009.  Since then ay tuloy-tuloy na ang komunikasyon ng mag-ama ganundin ang half-sisters niya.

Nitong recent trip ni Lotlot sa Houston, Texas kung saan siya dumalo sa ika-50th Worldfest Houston Internatio­nal Film Festival para sa kanyang indie movie na 1st Sem at kung saan siya ginawaran ng Best Suppor­ting Actress award ay nag-side trip siya sa Florida para muling mabisita ang kanyang ama at mga kapatid.

Sobrang saya ni Lotlot dahil kakaibang bonding ang nangyari sa kanila sa loob ng dalawang araw at umaasa siya na sila naman ang darating ng Pilipinas para dalawin siya at ang kanyang mga anak na sina Janine, Maxine, Diego, at Jessica.

MICHELLE MADRIGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with