Louise lumayas na sa GMA!
(Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2017 - 12:00am

Seen: Five years ang kontrata na pinirmahan ni Louise delos Reyes sa Viva Artists Agency. Confident si Louise na malaki ang maitutulong ng Viva sa pagsigla ng acting career niya.

Scene: Iginiit ni Louise delos Reyes na maayos ang pag-alis niya sa GMA 7, ang mother studio niya sa loob ng limang taon.

Seen: Pinagtatawanan at nilalait si Kris Aquino dahil sa  pa-cute na press release  nito na hindi siya puwedeng magsalita tungkol sa Hollywood movie na gagawin niya dahil sa non-disclosure agreement na kanyang pinirmahan.

Scene: Walang katotohanan ang balita na may nangyari sa veteran actress na si Amalia Fuentes dahil sa pagpanaw ng kanyang ex-husband na si Romeo Vasquez. #BalitangKuryente.

Seen: Plano ni Romeo Vasquez na bisitahin si Amalia Fuentes na matagal nang may karamdaman bago siya binawian ng buhay.

Scene: Sumusumpa si Bb. Pilipinas Supranational 2017 Chanel Olive Thomas na loveless siya ngayon. Si Chanel ang ex-girlfriend ni Jake Cuenca at matagal na raw na wala siyang boyfriend.

Seen: Pinasaya ni Senator Manny Pacquiao si Bb.Pilipinas Universe Rachel Peters dahil sa congratulatory message niya sa dalaga. Ang boyfriend ni Rachel na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang nag-request kay Pacquiao ng videotaped congratulatory message para sa kanyang girlfriend.

LOUISE DELOS REYES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with