Marian paulit-ulit na niligaw ng kapatid
(Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ni Lola Goreng (Gloria Romero) ang kwento niya tungkol kay Gracia, ang Taong Grasa sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Iniligaw na nga ni Lucia (Ana Feleo) si Gracia (Marian Rivera-Dantes) pero laking gulat niya nang pagdating niya sa bahay ay nauna pang makauwi si Gracia! Natandaan pala nito ang daan. Maiinis si Lucia. Paulit-ulit niyang susubukang iligaw si Gracia hanggang sa tuluyan na nga itong hindi makakauwi. Dito na magsisimulang magpalabuy-laboy si Gracia hanggang sa maging taong Grasa na siya.

Masaya naman si Lucia dahil wala na siyang ina­alagaang kapatid. Palibhasa’y pabigat ang tingin sa kapatid, akala niya’y magiging mas masaya na siya ngayong wala na si Gracia. Paano nga kaya niya matututunang pahalagahan ang kapatid niya? At paano na si Gracia? Magiging palaboy na lang ba talaga siya habambuhay?

Ganito rin kaya ang magiging kapalaran ni Moira dahil ayaw siyang tanggapin ni Elvis? Abangan ang aral na mapupulot sa ikalawang bahagi ng kwento ni Lola Goreng. Abangan din ang sikretong madidiskubre ni Moira ang tungkol sa pamilyang kumupkop sa kanya.

GLORIA ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with