Kathryn binabakuran na si Daniel
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2017 - 12:00am

Bantay-sarado ba ang ginawa ni Kathryn Bernardo kay Da­niel Padilla sa ginawang pag-perform nito sa katatapos na Binibining Pilipinas coronation night? Nakunan ng kamera ang Teen Queen na kumukuha ng litrato habang kumakanta ang kanyang ka-loveteam. Napa­kaguwapo ni DJ pero, kahit anong pakita ang ginawa niya habang ini-entertain ang mga beauty con­testants ay parang hindi siya ganun  ka-relaxed sa kanyang pag­kanta. Dahilan ba ito sa intimidated siya sa mga naggaganda­hang mga babae o dahil naroon si Kathryn? Ganito rin ang pansin ng marami kay Xian Lim na sa u­nang paghu-host niya ng Bini­bini ay wala naman siyang naging problema pero, sa pinaka-huling pageant sa Araneta Coliseum ay parang andap siya sa da­ting Miss Universe na si Pia Wurtzbach kumpara nung sila ni KC Concepcion ang magkasama.

Maine hindi gagamit ng ghostwriter 

Tanggapin natin na maraming celebrities ang gumamit ng ghostwriter para lamang makapaglabas ng kanilang mga libro. Marami sa kanila ang umaring sila ang tunay na may akda ng kanilang libro kaysa ibigay ang kredito sa tunay na nagsulat at lagyan lamang ng “as told to”.

Sinabi ni Maine Mendoza na siya ang magsusulat ng kanyang libro. Gagawin niya ito sa mga panahong libre siya, walang shooting, taping o commercial shoot.

Ang libro ay sinimulan niyang isulat bago pa siya nag-artista. Tungkol ito sa kanyang personal na buhay, mga nararamdaman niya, mga karanasan niya. Hindi ito tungkol kay Yaya Dub o sa mga character na ginampanan niya sa kanyang movies o palabas sa TV. Tungkol ito sa kanya, kay Maine Mendoza.

Handa si Maine na tanggapin ang mga sasabihin ng mga follower at bashers niya. Mahalaga sa kanya ang mga opinyon nila bagaman at hindi siya sumasagot o nagpapaapekto sa mga sinasabi nila. 

Wala pang petsa ang labas ng libro niya pero, inaasahan niyang maire-release ito bago matapos ang taon.

Derek wala nang pupuntahan?!

Napaka-ganda ng takbo ng karera ni Derek Ramsay sa ABS-CBN nang magpasya siyang lumipat ng TV5. Tinangka siyang pigilan ng Kapamilya sa pamamagitan ng mga magagandang proyekto na hindi naman niya kinagat at itinuloy pa rin ang kanyang pag-alis.

It has been quite sometime now pero hindi na nasusundan uli ang mga ginawa niyang programa sa Singko.

Ngayon gustuhin man niyang muling magbago ng network ngayon ay mayro’n pa siyang kontrata na kailangang tapusin sa TV5. Mapapayagan naman siguro siya ng network kapag nagpaalam siya pero, sa’n siya pupunta?

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with