Sharon inip na sa apo kay KC!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2017 - 12:00am

At 32, nasa edad na si KC Concepcion para lumagay sa tahimik pero mukhang hindi pa nila ito seryosong pinag-uusapan ng kanyang nobyong si Aly Borromero.  Ang mahalaga sa magkasintahan ay pareho silang nag-i-enjoy sa isa’t isa.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring bagong seryeng pinagka­ka­abalahan ang panganay ng estranged couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kaya mas madalas ang bonding moment nina KC at Aly.

Kung si Sharon lamang ang masusunod, gusto na rin niyang magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak.

Vhong at Jhong napag-iwanan na ang kasabayan sa streetboys

Sina Vhong Navarro at Jhong Hilario ay parehong produkto ng sikat ng all-male dance group na Streetboys nung dekada nobenta na binuo ng award-winning director na si Chito Roño.

Bukod kina Vhong at Jhong, may dalawa ring miyembro ng grupo ang sumikat noon bilang actor, sina Danilo Barrios at Spencer Reyes.

Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Michael Sesmundo, Nicko Ma­nalo, Meynard Marcellano, Christopher Cruz, Joey Andres, Joseph de Leon at Earl Roxas at sumunod naman na naging miyembro ay sina Sherwin Roux, Yexel Sebastian at Jeydon Lopez bilang kapalit sa ilang member sa nawala sa grupo. Pero sa grupo, tanging sina Vhong at Jhong na lamang ang natira na parehong aktibo sa kanilang showbiz career. Although sa pagsayaw sila unang nakilala, nakapag-cross over sila sa larangan ng pag-arte at paghu-host.

Sikat na sikat noong 90’s ang Streetboys na nagkaroon pa noon ng sarili nilang hit song, ang Boom Tiyaya na hango sa kanilang hit album na Turbulence Wild Streetdanz.

Sina Vhong at Jhong ay parehong napapanood sa long-running noontime show ng ABS-CBN, ang It’s Showtime.

Taiwan paborito na ring pasyalan ng mga pinoy

Starting this June, hindi na kakailanganin ng visa para makarating ng Taiwan kaya malamang na isa rin ito sa maging tourist destination ng mga Pinoy.

May balita rin na tatanggalin na rin ang visa patungong South Korea, isang lugar na paborito ring puntahan ng mga Pinoy.

Dahil sa mga budget fares at tour packages, very affor­dable na ang bumiyahe sa ibang bansa lalo na sa ating mga karatig lugar tulad ng Hong Kong, Bangkok, Singapore, Malaysia, Indonesia, Korea, Cambodia, Vietnam, Macau at iba pa.

Matagal na ring lumulutang ang balita na may plano na rin daw ang Japan na tanggalin ang visa sa mga Pinoy.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with