Daniel Padilla
Daniel pa-cute sa mga Binibini...Venus sablay sa Ingles; Kylie Versoza boring na ang hitsura
(Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2017 - 12:00am

SEEN: Pa-cute si Daniel Padilla na nagsuot ng shades sa song number niya sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2017 noong Linggo. Hindi rin sabay ang pagbuka ng bibig ni Daniel sa kinanta niya.

SCENE: King of Hearts na ang bagong showbiz title ni Daniel Padilla. Hindi na papasa si Daniel na Teen King dahil hindi na siya teenager.

SEEN: Kasama ni Daniel Padilla sa Bb. Pilipinas coronation night ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo. Kailangan na rin ni Kathryn ng bagong showbiz title dahil hindi na bagay sa kanyang Teen Queen title.

SCENE: Magaling na anchor ng Bb. Pilipinas 2017 Venus Raj kapag may binabasa siya pero nagta-tumbling ang English grammar niya sa kanyang mga impromptu interview.

SEEN: May problema talaga sa buhok ni Miss International 2016 Kylie Verzosa na kailangan ng mahusay na hairstylist dahil boring na ang hitsura niya. #ReinventYourself.

SCENE: Inamin ni Bb. Pilipinas 2017 candidate Sirene Sutton na hindi siya nakasagot nang maayos sa question and answer segment dahil hindi niya naintindihan ang tanong at umiral ang pressure at ang kanyang kaba.

SEEN: Nagkamali ang missosology.com sa fearless forecast na mananalo si Sirene Sutton tulad ng mga maling hula nila sa mga magwawagi noon sa Miss Universe 2016.

SCENE: Ang imbitasyon ni Michael V. na suportahan at panoorin ng publiko ang Luck at First Sight, ang pelikula nina Jericho Rosales at Bela Padilla na mapapanood bukas, May 3 sa mga sinehan.

DANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with