^

PSN Showbiz

Daniel ‘di raw nirespeto ang sakura tree!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Daniel âdi raw nirespeto  ang sakura tree!
Daniel Padilla

Seen: Si Kris Bernal ang cover girl ng isang men’s magazine para sa buwan ng Mayo pero hindi pabor sa kanya ang komento ng mga tao tungkol sa sexy pictorial niya.

Scene: Kinokondena ang video ni Daniel Padilla habang niyuyugyog niya ang Sakura tree sa Japan vacation nila ni Kathryn Bernardo. Kahihiyan daw ang ibinigay ni Daniel sa Pilipinas dahil sa kawalan niya ng respeto sa puno na iginagalang ng mga Hapon tulad ng paggalang nila sa mga nakatatanda sa kanila.

Seen: Matutuloy na ang paglabas ni Helen Gamboa sa primetime teleserye ng GMA-7 dahil kasama siya sa cast ng The Good Teacher na pagbibidahan ni Marian Rivera. Naudlot ang participation ni Helen Gamboa sa Ang Dalawang Mrs. Real noong 2015 dahil nagkasakit siya.

Scene:  Co-terminus ang relasyon nina Tommy at Miho ng Langit, Lupa, ang morning teleserye  nila sa ABS-CBN na nagwakas noong Biyernes.

Seen: Sa May 29 ang pilot telecast ng Tagalog adaptation ng My Love From the Star ng GMA-7 at hanggang May 19 na lang ang airing ng Encantadia.

Scene: Magsisimula sa May 22 ang Mulawin vs. Ravena dahil ito ang ipapalit ng GMA-7 sa timeslot ng Encantadia.

Seen: Isang malaking fashion show ang inihahanda ni Ben Chan para sa 30th anniversary ng Bench ngayong 2017.

Scene: Exclusive na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN ang Bb. Pilipinas 2017. Hindi muna mapapanood ang Gandang Gabi Vice dahil sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2017.

Seen: Green and yellow ang kulay ng buntot ni Janella Salvador sa sirena role niya sa My Fairy Tail Love Story. 

RAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with