Aktres na mahusay makisama. nanlalasing bago magpa-interview
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2017 - 12:00am

Hinding-hindi makakalimutan ng isang tropa ng production staff ang nangyari sa kanila nu’ng minsang puntahan nila ang isang pamosong female personality para sa isang interbyu.

Nagpahanda talaga ang aktres, nagpa-catering pa siya, busog na busog ang buong tropa hindi lang dahil sa masasarap na pagkain kundi dahil sa pagpapahalagang ibinigay sa kanila ng magaling na aktres.

Magse-set-up na sana ang produksiyon, pero huwag daw muna, sabi ng magaling na aktres. Pagkakain ay niyaya ng aktres ang tropa sa kanyang kuwarto na kabog ang bar sa dami ng koleksiyon niyang alak.

“Kahit anong brand ang hingin mo, meron siya, napakalaki ng bar niya, sa totoo lang! Nagtitimpla pa mismo siya ng liquor, para siyang bar tender sa galing, sanay na sanay na talaga siya sa pagnomo-nomo.

“Heto na. Sanay sa pagmamam ang magaling na aktres, pero ang pinainom niyang mga cameramen, e, hindi, kaya medyo nasenglot ang mga loko! Natagalan ang interview dahil lasing ang mga cameramen!

“Nade-defocus ang mga shots nila, gumagalaw, hindi nila kayang dalhin ang kalanguan nila! So, pinagpahinga muna ng magaling na aktres ang tropa. Pero nakatulog sila! Natagalan lalo ang pagsu-shoot para sa isang talk show!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Pansamantalang namahinga sa pag-arte ang female personality, nanirahan siya sa ibang bansa, pero nagbabalik na siya ngayon.

Patuloy na kuwento ng aming impormante, “May interview uli sa kanya ang tropa nu’ng bumalik siya. Ganu’n na naman, nagpa-catering na naman siya, kaya sabi ng grupo, e, consistent talaga ang ganda ng PR niya.

“Pagkatapos kumain ng production staff, e, sinabi niya, ‘Before we do the interview, let’s have a drink muna!’ Ay, nagpalagan na ang tropa, ayaw na nila, dahil siguradong matatagalan na naman ang kanilang trabaho!

“Pero sa puso ng tropa, e, walang makatatalo sa kabaitan ng girl. Kung sinuman ang gagaya sa kanya, e, siguradong magiging second rate, copycat lang ng mahal nilang female personality,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Andi inconsistent?!

Nagkakaekis-ekis na ang mga pinagsasasabi ni Andi Eigenmann. Dahil sa dami ng mga ipino-post niyang mensahe laban kay Jake Ejercito ay hindi na siya nagi­ging consistent, nakakalimutan na niya ang ibang impormasyon, si Andi mismo ang nagbabaon sa kanyang sarili sa pinagtatalunan nilang issue.

Pa-victim si Andi. Himihingi siya ng mga kakampi ngayon sa laban nila ni Jake tungkol sa joint custody na ipinayl nito para sa kapakanan ng kanilang anak na si Ellie.

Pinalalabas niya na inaalisan siya ng karapatan ni Jake sa kanilang anak, samantalang napakalinaw naman ng sinasabi ng petisyong ihinain nito sa korte, umaamot lang ito ng panahon para makasama ang kanyang anak.

Hindi raw niya idinadamay ang pamilya ni Jake, napakabilis namang maghugas-kamay ni Andi, dapat pala’y siya ang nagbida sa seryeng The Grea­test Love at hindi si Sylvia Sanchez dahil napakabilis niyang makalimot sa mga detalye.

Nilahat niya ang pamilya Estrada sa isang post niya, sinabi rin niya na para kina Ms. Laarni Enriquez at Jake ay basura lang siya, wala raw puso ang pamilya ni Jake Ejercito.

‘Yan ang mahirap kapag sobrang dami na tayong sinasabi. Nawawala na tayo sa katwiran dahil mas nalalambungan ng poot ang ating puso. Kasasabi lang natin ay ipagkakaila na agad para lang tayo makalusot.

Kapag maraming babaeng nagsisisigaw dahil napakairesponsable ng natagpuan nilang ama ng kanilang mga anak ay heto naman si Andi na minamasama pa ang paninindigan ni Jake Ejercito para kay Ellie.

Ito rin ang sigaw niya nu’n laban kay Albie Casiño, ipinaaako niya nu’n sa aktor na ito ang ama ng bata, maraming salamat na lang sa resulta ng DNA test nina Jake at Ellie dahil nagkaroon na ng katahimikan ang buhay ng bagets.

Ang galit ay pumapatay. Nakapagpapaigsi ‘yun ng buhay. Bakit kaya hindi subukan ni Andi Eigenmann na manahimik na lang muna, magnilay-nilay siya, makipag-usap na lang siya kay Jake Ejercito para hindi na niya problemahin pa ang pambayad niya sa abogado na isinasangkalan niya.

At hindi kapani-paniwalang maligaya siya sa pi­ling ng bago niyang karelasyon. Ang masayang puso ay hindi nagpapakanega. Kulay rosas ang buong paligid ng isang taong maligaya sa buhay niya.

 

INTERVIEW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with