Bela walang isyu sa ex at kay Angel!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2017 - 12:00am

PIK: Maituturing na lucky charm si Joross Gamboa sa mga pelikula ng Star Cinema lalo na ng mga sikat na Kapamil­ya talents.

Ang ganda ng role ng Kapuso actor sa My Ex and Whys movie nina Liza Soberano at Enrique Gil, at ngayon naman ay usap-usapan ang nakakatuwang role niya sa Can’t Help Falling in Love nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naikuwento ni Joross na natutuwa rin siya sa role na ginampanan niya bilang isang operadang bading, dahil gustung-gusto na raw niyang mag-adlib. Mabuti at pasok naman daw ang isang adlib niyang “Si Dos, dumausdos!” at bentang-benta ito sa mga manonood.

“Kating-kati na kasi akong mag-adlib dahil ang ganda ng role. Mabuti at tinanggap naman ni direk Mae (Cruz-Alviar), na-retain sa movie. Nagpasa­lamat naman ako, nagustuhan ng mga tao,” pahayag ni Joross.

PAK: Wala raw boses si Neil Arce kaya hindi niya masagot ang tsismis na magkasama sila ni Angel Locsin sa Hong Kong nung nakaraang Holy Week.

Kinulit namin ito sa presscon ng pelikulang prinodyus niyang Luck at First Sight kung saan bida ang ex-girlfriend niyang si Bela Padilla.

Ilang beses naming tinanong si Neil kung totoo o hindi pero ayaw niyang sagutin. Sinesenyas lang niyang wala siyang boses kaya hindi niya masagot ang tanong. Pero halatang iniiwasan na lang ni Neil ang isyu.

Sabi naman ni Bela, masaya siya para kay Neil kung magkasama ngang nagbakasyon sina Angel at Neil.

“Kung totoo man ‘yun, happy ako para sa kanya,” pakli nito.

Okay naman daw sila bilang magkaibigan at parang mag­ka­barkada na ngayon ang turingan nila.

“Parang ganun kaming type na tao eh, bago kami magdesisyon sure na sure na.

“Parang magkabarkada na kami eh. Kung ano kami nina Boy2, si Cholo (Barretto), kaya kung kausapin si Neil ng ganun,” dagdag niyang pahayag.

Kaya magkakatulong sila ni Neil at ng leading man ng pelikula na si Jericho Rosales sa  pag-promote nito ng Luck at First Sight na magsu-showing na sa May 3.

BOOM: Nagsalita sa Facebook si Renan Morales bilang representative ng The Ultimate Productions na pag-aari ng ina niyang si Rhodora Morales na siyang nag-produce ng programang #TripNiKris ni Kris Aquino.

Maayos niyang ipinaliwanag at nilinaw ang isyung inilahad ni Kris sa PEP.ph kung saan sinabi nitong na-delay ang bayad ng produksyon at ginamit lang daw si Kris para sa political ambition ni Renan.

Itinanggi ito lahat ni Renan at ipinakita nito ang resibo.

Pagdating sa isyung gamitan, itinanggi ito ni Renan dahil ang ginamit lang daw nila kay Kris ay pagi­ging host ng programang prinodyus nila.

Tinanggap naman ni Renan on behalf of The Ultimate Productions ang apology ni Kris.

JOROSS GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with