Kylie Padilla at Robin Padilla
Robin aminadong si Aljur lang ang ‘nagpabagsak’ sa husay ni Kylie
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2017 - 6:47pm

May post si Robin Padilla patungkol sa mga anak niyang sina Camille Garcia na anak niya kay Lea Orosa at kina Zhe­rileen at Kylie Padilla na mga anak niya kay Liezl Sicangco. Napansin lang ng mga nakabasa sa post ni Robin na pagda­ting kay Kylie, parang may kakaiba siyang hugot, nalungkot tuloy ang mga nakabasa.

Pinost ni Robin ang picture ni Kylie na naka-costume ni Reyna Amihan sa Encantadia at ang caption, may bahid ng lungkot. Sabi ni Robin: “My action protégé!! bata pa lang ito matindi na! nag Gymnastics, nag-martial arts close hand, open hand, free hand wea­pons, wire training, gun training and stunts..NO man can beat her in combat ma­ging ring man o kalsada man except with LOVE...daddys little action princess is now somebody’s queen In shaa Allah...”

Ang gaganda rin ng comments ng followers ni Robin sa post niya tungkol kay Kylie. Tanggapin daw ni Robin na malaki na si Kylie at may sarili ng buhay at may nag-comment naman na sana, alagaan ni Aljur Abrenica si Kylie.

Samantala, malapit nang mapanood si Robin sa Bad Boy 3: Bagani. Pelikula yata ito dahil may nakalagay na “Coming Soon!” May nagsabi kasing teleserye ni Robin sa ABS-CBN ang Bagani at guests daw sina Liza Sobe­rano at Enrique Gil sa pilot week.

Gabbi si Khalil ang pinalit kay Ruru

Naba-bash si Ruru Madrid ng fans nila ni Gabbi Garcia dahil sa balitang lumabas na nag-date sina Ruru at Arra San Agustin. Sa Tagaytay daw nakita ang dalawa na kung saan, nakita rin sina Gabbi at pamilya nito. Magkaibang araw siguro pumunta ng Tagaytay sina Ruru at Gabbi o baka hindi lang sila nagkita.

May nag-akusa kay Ruru na iniwan si Gabbi at ipinagpalit kay Arra at may nag-suggest na ‘wag niyang idinadaan sa kanta ang nangyari sa kanila ni Gabbi at sabihin ang totoo. May isang sobra ang galit kay Ruru at tinawag itong “bakla” na tiyak na pinagtawanan lang ng aktor.

Naalala namin, matagal ng nabalitang break na sina Ruru at Gabbi at ibig sabihin, libre na sila kung sino ang gustong mahalin. Pero never din naman nilang inaming naging sila.

Anyway, naalala lang namin sa press visit ng Encantadia, tinanong ng pabiro si Ruru kung magkakagusto ba siya kay Arra at positive ang sagot dahil mabait, maganda at gorgeous daw ang aktres.

Ang nakakaloka sa sitwas­yon nina Ruru, Arra at Gabbi, magkakasama sila sa Encantadia at sa istor­ya, nagkakagusto na si Ybrahim (Ruru) kay Ariana (Arra) at wala na silang relasyon ni Alena (Gabbi). Parang true to life ‘di ba?

Si Gabbi naman, nali-link kay Khalil Ramos na ABS-CBN talent at may nakita kaming picture ng dalawa na magkasama. Dahil friends sina Gabbi at Ruru, alam siguro ni Ruru ang tsika kina Gabbi at Khalil.

Ryza all out sa pelikula ng karelasyon

Pinu-promote ni Ryza Cenon sa social media account niya ang Viva Films movie na Luck at First Sight nina Jericho Rosales at Bela Padilla dahil kasama sa cast ang boyfriend niyang si Cholo Barretto. Pati ang playdate na May 3, ibinabalita rin ni Ryza pati ang pangalan ni Cholo sa movie na si Boggs.

Nakwento ni Ryza na nagsusuportahan silang dalawa ng BF sa kani-kanyang career. Hindi pinagseselosan ni Cholo ang kissing scene nila ni Gabby Concepcion sa Ika-6 Na Utos at hindi rin siya nakikialam sa mga eksena ng BF sa mga project nito.

 

ROBIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with