^

PSN Showbiz

Diego lutang na lutang ang namana sa ama

SANGA-SANGANDILA - Veronica M. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isang sorpresa kay Beauty Gonzales ang pagbibigay sa kanya ng ABS-CBN ng lead role sa bago nitong teleseryeng Pusong Ligaw kapareha ni Joem Bascon. Napakagandang wedding gift ito ng network sa kanya matapos mawala sumandali para magsilang ng kanyang sanggol. Yes, mag-aasawa na si Beauty sa ama ng kanyang anak, pero kasabay ng pagpu-promote niya ng pinagbibidahan niyang serye ay ang kanyang paghahanda ng kanyang kasal.

Sa trailer ng Pusong Ligaw ay nakita na may malaki itong promise, bilang serye. Nakita rin sa napakaikling palabas ang pagpapakilig nina Diego Loyzaga at Sofia Andres. Kaya pala sila ginagawang loveteam ay dahil talagang may chemistry sila. Sa trailer din nakita ang malaking pagkakahawig ni Diego sa kanyang amang si Cesar Montano. Wish nila na namana rin nito ang talento sa pag-arte ng kanyang ama.

Sa tulong ng ibini-build up na loveteam at maging sa pagkakasama sa cast ni Bianca King, marami ang naniniwala na may winner na series sa hapon ang Kapamilya Network.

Awra naibigay na ang pangarap na bahay sa pamilya!

Napakataas naman ng resulta ng magkasamang boto ng publiko at maging ng mga hurado kung kaya itinanghal na winner ng Your Face Sounds Familar Kids si Awra Briguela, ang Breakout Child Star ng FPJ’s Ang Probinsyano. Nabigyang katuparan ang pangarap niyang bigyan ng sariling bahay ang kanyang pamilya. Bukod sa napanalunang bahay at lupa ay mayroon pa siyang P1-M na aniya ay itatago niya sa bahay nila para sa kanyang kinabukasan. Hope ng lahat ng nakarinig sa kanya na sa bangko niya itago ang cash prize para mas safe.

Sa kabila ng napakalaking tampo niya sa itinuturing niyang nanay sa showbiz na si Vice Ganda na hindi pinagbigyan ang hiling niyang panoorin nito nang live ang grand finals ng YFSFK, hindi naapektuhan ng kanyang tampo ang kanyang  naging performance. Nawala ang kanyang tampo nang mag-text sa kanya si Vice. Hindi raw ito dumating sa takot na makaimpluwensya siya sa mga hurado. Ganun?!

Janine tinaob daw ang mga magulang

Bukod sa viewers ng Legally Blind, balitang puring-puri ng mga katrabaho niya sa serye si Janine Gutierrez dahil sa kanyang acting at professionalism sa trabaho. Recently, nagpahayag din ng paghanga sa aktres ang kanilang director na si Ricky Davao.

Ayon sa kanya, ang acting prowess ni Janine ang isa sa mga rason kung bakit high-rating ang serye ng GMA. Aniya, “As an actress, ang galing-galing niya!”

Kahit na tito raw siya ng dalaga, hindi bias ang opinyon niyang ito. Dagdag niya, “Hindi dahil pamangkin ko siya pero sobrang galing kasi pati ako napapatunganga kapag umaarte siya. Mas magaling kay Mommy and kay Daddy ( Christopher “Mon­ching” Gutierrez at Lotlot de Leon).”  

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with