Meg pumiyok na sa isnaban nila ni Kim!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2017 - 12:00am

Si director Adolf Alix, Jr., ang naging daan para makasama si Meg Imperial sa cast ng D’Originals, ang sexy dramedy series na produced ng GMA News and Public Affairs para sa GMA-7. 

“Nagkataong wala akong show, kaya nagpaalam ako kay Mr. Vic del Rosario ng Viva at sa Viva Artist Agency kung puwede kong tanggapin ang project. Why not grab the opportunity at chance ko na rin to work with the stars of GMA-7. But I’m still with Viva, per project lang ang kontrata ko sa GMA-7,” sabi ni Meg.

Sa presscon, nagpasalamat si Meg sa warm welcome sa kanya ng mga Kapuso dahil mula sa cast ng D’ Originals hanggang sa staff at host ng ibang show ay naging mabait sa kanya.

“Kaya nga nagulat ako sa is­yung nag-isnaban kami ni Kim (Domingo). Na-misinterpret lang siguro ng nakakita sa amin. Pero maganda ang bati niya sa akin nang lumapit ako sa kanya para magpakilala at nag-shake hands pa nga kami. Hindi ako inisnab ni Kim, nagpansinan kami,” pagpapatotoo ni Meg.

Ang hirap nga naman kung hindi in good terms ang dalawa eh, sila ang laging magka-eksena. Sa story ng dramedy series, si Kim ang original wife ni Archie Alemania at si Meg ang kabit. Mahahalata kung naaasiwa sila sa isa’t isa at ayaw pa naman ni direk Adolf ng fake acting.

Sa April 17, ang pilot ng D’ Originals after Legally Blind. Makaka-relate rito ang mga misis, mga mister at mga kabit. Ang kaibahan nito sa Ika-6 Na Utos, may kasamang comedy, kaya hindi maha-high blood ang viewers.

Balik-tambalan nina Tom at Carla hindi na mapipigilan

Final na ito, makakasama si Tom Rodriguez sa cast ng Mulawin vs. Ravena, hihintayin ng production ang pagbabalik niya from Yuma, Arizona after Holy Week at saka siya magsisimulang mag-taping para sa fantaserye.

Matutuwa nito ang fans nina Tom at Carla Abellana dahil matutuloy ang reunion na matagal na nilang nire-request sa GMA-7. Gagampanan ni Tom ang role ni Rodrigo, ama ni Anya (Bea Binene) na anak nila ni Aviona (Carla). Excited na ang TomCar fans mapanood ang favorite love team nila sa isang show.

Dahil hindi na magpapabalik-balik sa Amerika, mas hahabaan na siguro ang labas ni Tom sa Mulawin vs. Ravena. Hindi na lang special guest ang participation niya sa fantaserye. Hindi raw mulawin at hindi ravena ang karakter ni Tom rito, isa siyang tao, kaya magandang subaybayan ang love story nila ni Aviona na isang ibon.

Anak itinatago ng ina sa aktor!

Matagal na palang hindi nakikita ng aktor ang kanyang anak dahil may isyu sila ng ina ng bata. Ang maganda sa aktor, hindi na nito sinabi pa kung ano ang problema nila ng ina ng kanyang anak. 

Kaya ‘pag kinukumusta sa aktor ang kanyang anak, malungkot ang sagot nitong matagal na niyang hindi nakikita ang bata. Pero dahil may isip na ang bagets, sigurado ang aktor na kahit hindi sila nagkikita, makikilala pa rin siya ng bata ‘pag nabig­yan uli siya ng chance na makita ang anak.

May pag-uusap naman yata sa pagitan niya at ina ng kanyang anak para maayos kung anuman ang problema nila at para mabalik sa dati na nabibisita niya ang anak. Tuwang-tuwa pa naman ang aktor na ikinukuwento ang kakulitan ng anak at pagiging malambing nito.

Solenn nakagawa ng clone ni Mikee!

May bagong karakter na namang aabangan sa Encantadia at tila Cassandra ang magiging pangalan. Interesting ang pagmumulan ni Cassandra dahil galing siya sa buhok ni Lira (Mikee Quintos) na patay na nang barilin ni Asval (Neil Ryan Sese).

Gawa siya ni Cassiopea (Solenn Heussaff), kumuha ito ng hibla ng buhok ni Lira at ginawang anak daw ni Lira. Sabi ng Encantadiks, cloning ang ginawa ni Cassiopea at successful siya dahil lalabas na si Cassandra.

Ang clue ng Encantadia, “The who? Not Mine-A, not Cassy? But Who?,” kaso magagaling mag-imbestiga ang Encantadiks, kaya nalaman agad kung sino ang bagong karakter. Ang aabangan ay kung tama ang hula ng viewers na si Mikee pa rin ang gaganap na Cassandra dahil may nag-leak na picture na nasa taping siya na feeling ng mga nakakita sa picture, nasa taping siya ng Encantadia.

 

MEG IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with