Coldplay lead singer na si Chris Martin nag-enjoy mag-jeep!
(Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2017 - 12:00am

SEEN: Inabot ng tatlong araw ang taping ni Lorna Tolentino para sa episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa April 8. Co-star ni Lorna sa MMK si Alexa Ilacad.

SCENE: Mararamdaman sa mga salita ni Janella Salvador na may soft spot sa puso niya si Elmo Magalona kaya malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng relasyon.

SEEN: Sa April 22 at April 23, 8 a.m. to 5 p.m., ang simula ng registration para sa Star Magic Summer Workshop ng ABS-CBN.

SCENE: Bes, Ang Galing Mo (May Nanalo Na, Uwian Na) ang kumpletong pamagat ng bagong pelikula ni AiAi delas Alas sa Cineko Productions. Kasama sa cast ng pelikula sina Carmi Martin at Zsa Zsa Padilla.

SEEN: May reunion sa Full House Tonight ng GMA-7 sina Regine Velasquez, Donna Cruz, at Mikee Cojuangco. Naging magkaibigan ang tatlo nang gawin nila ang pelikulang Doremi sa Viva Films noong 1996.

SCENE: Mas mukhang babae si Krist Viray kesa kay Kiray Celis. Si Krist ang model na pilit na inili-link kay Kiray. #Gamitan.

SEEN: Binisita ng Coldplay lead singer na si Chris Martin ang Pinoy cancer patient na si Ken Santiago dahil pinagbigyan niya ang kahilingan ng kapatid ng may karamdaman.

SCENE: Maaga na nagpunta kahapon sa Coldplay concert venue ang Pinoy fans na nagbantay sa labas ng Mall of Asia Concert Grounds at nakinig sa sound check rehearsal ng sikat na banda.

SEEN: Natuwa ang Pinoy fans nang makita nila si Chris Martin at ang mga kasama nito na nakasakay sa jeep nang dumating sa MOA Concert Grounds para sa soundcheck rehearsal. Kinagiliwan din si Chris sa pagbisita nito sa isang cancer patient na si Ken Santiago na nakabili na ng concert ticket pero hindi nakapunta dahil bigla itong na-ospital.

 

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with